Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok

Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok

- Marami ang nagulat sa naging rebelasyon ng actress/influencer na si Bea Benedicto kamakailan

- Ito ay matapos mapansin ng kanyang mga tagahanga na minsan na lamang ito magbahagi ng kanyang mga workout videos at selfie

- Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng alopecia dahil sa kanyang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome

- Nagsimula umano siyang makaramdam ng matinding stress simula nang mag-lockdown at nananatili na lamang siya sa loob ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinagulat ng mga tagahanga ng actress at social media influencer na si Bea Benedicto ang ibinahagi nitong rebelasyon tungkol sa kanyang kasalukuyang pinagdadaanan sa loob ng anim na buwan.

Paliwanag niya, nais niyang maging matapang at magpakatotoo kaya niya ibinahagi ang dahilan kung bakit tumigil siya sa pagbahagi ng TikTok videos at maging ng kanyang mga selfies sa social media.

Read also

Jelai Andres, ibinahagi ang dinanas na hirap nang tamaan ng COVID-19

Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok
Phptp from Bea Benedicto (@bea_benedicto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, nauna na niyang nabanggit ang tungkol sa kanyang hormonal imbalance at PCOS na naging sanhi ng pagkakaroon niya ng acne.

Nagkaroon din siya ng alopecia at hindi niya ito agad napatingnan dahil na rin sa quarantine at lumaki umano ang bahagi ng kanyang ulo na nalagasan ng buhok.

Ibinahagi niya na simula Hunyo hanggang Disyembre ay naging mahirap para sa kanya.

I was depressed, I was anxious, and I was balding. I’d be sad then more hair would fall off, then I’d get sadder. It was a bad cycle hahaha! June ‘till December 2020 really wasn’t a good time mentally, and I just want to say – especially for those who are going through something similar – that things will be ok.

Gayunpaman, nilinaw niyang mas umigi na ang kanyang kalagayan ngayon at unti-unti nang tumubo ang kanyang buhok.

Read also

Matteo Guidicelli, ibinahaging goal niya maging best husband ngayong 2021

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa isang Instagram live ay sinagot ni Bea ang mga katanungan ng ibang kababaihan tungkol sa kanyang pinagdadaanan.

Si Bea Benedicto ay isang aktres na naging bahagi ng mga pelikulang Bugso (2005), Tanods (2015) at Manang Biring (2015).

Ilan sa mga showbiz personalities na mayroong PCOS kagaya ni Bea ay sina KC Concepcion at Denise Laurel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel