Matteo Guidicelli, ibinahaging goal niya maging best husband ngayong 2021

Matteo Guidicelli, ibinahaging goal niya maging best husband ngayong 2021

- Ibinhagi ni Matteo Guidicelli ang kanyang goal umano bilang asawa ngayong 2021

- Ayon sa kanya ang goal niya ay maging "best husband" para sa asawa niya ngayong taon

- Ibinahagi niya rin ang litrato niyang may hawak na libro na tila nagbabasa habang sa isang kamay ay hawak niya ang vacuum cleaner

- Marami ang naaliw sa ibinahaging mensahe at litratong ito ng aktor sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang Instagram post ni Matteo Guidicelli kung saan ibinahagi niya ang kanyang goal para sa taong 2021.

Kalakip ng litrato niya kung saan may hawak siyang libro sa isang kamay at vacuum cleaner sa kabila, sinabi ni Matteo na ang maging "best husband" ang kanyang nais ma-achieve ngayong taon.

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang kanyang goal bilang isang asawa para sa taong 2021

Photo from Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Marami sa mga netizens ang naaliw at kinilig sa post na ito ni Matteo.

Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

Best Husband ka na talaga Mr. G! #SarahAll
Juice colored matatapos nga po kayo nyan at napakalaking help nyan kay Sarah G!
Multitasking at its finest! Happy start of the year Matteo & Sarah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kasalukuyang nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang mag-asawang Matteo at Sarah Geronimo. Sa katunayan, sa isang YouTube video na ibinahagi ng YouTube channel ng isang brand na iniindorso ng mag-asawa, ipinakita nila ang isang bahagi ng kanilang bahay nang ayusin nila ang kanilang Christmas tree.

Ang nakaraang pasko ang unang pagdiriwang ng dalawa ng pasko bilang legal nang mag-asawa matapos nilang ikasal noong Pebrero, taong 2020.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Barbie Imperial, kinumpirma ang napabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) at Paglaya sa Tanikala (2012).

Matapos ang kasalang Matteo at Sarah, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon ng tampuhan ng Popstar royalty sa kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay si Sarah ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel