Barbie Imperial, kinumpirma ang napabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga

Barbie Imperial, kinumpirma ang napabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga

- Inamin ni Barbie Imperial ang napapabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga

- Ito ay matapos isapubliko ng aktor ang tungkol sa pagtatangi niya sa dalaga

- Pinasalamatan ni Barbie ang aktor dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya

- Hindi umano inasahan ng aktres ang lahat dahil inakala niyang hanggang sa pagkakaibigan lang sila ni Diego

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos isapubliko ni Diego Loyzaga ang pagtatangi kay Barbie Imperial, inamin din ng aktres ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Barbie ang umano'y pinakapaborito niyang litrato nilang dalawa ng aktor.

Ayon pa kay Barbie, hindi niya inasahang iibig siya sa isang taong inakala niyang kaibigan lamang para sa kanya.

Barbie Imperial, kinumpirma ang napabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga

Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Gayunpaman, masaya siya umano na natagpuan niya ang "love and friendship" kay Diego.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, kinakiligan dahil sa kanilang sagutan sa social media

Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you #angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga malapit kaibigan ng dalawa mula sa showbiz kagaya nina Karla Estrada, Toni Labrusca, Elisse Joson at marami pang iba.

Kabilang sa nagpahayag ng kanyang kasiyahan para sa dalawa ay si Sunshine Cruz na malapit sa kanilang parehas. Si Diego ay anak ng dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano.

Malapit din si Diego sa mga kapatid niya sa ama na anak ni Sunshine. Kasalukuyan namang magkatrabaho sina Sunshine at Barbie sa isang teleserye sa Kapamilya network kung saan gumaganap silang mag-ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao.

Kamakailan ay inamin ni Barbie ang tungkol sa naranasang panloloko mula sa isang karelasyon apat na taon na ang nakalipas. Matatandaang isa si JM de Guzman sa naiugnay sa kanya matapos nilang magkasama sa teleseryang Araw Gabi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel