Diego Loyzaga at Barbie Imperial, kinakiligan dahil sa kanilang sagutan sa social media

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, kinakiligan dahil sa kanilang sagutan sa social media

- Naging mas bukas na sa kanilang paghayag ng kanilang damdamin sa isa't-isa sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial

- Ito ay matapos nilang aminin pareho sa publiko ang tungkol sa tunay nilang relasyon at pagtitinginan

- Sa isang Instagram post ni Diego ay sinabi ni Barbie na maswerte siya dahil siya ang kasintahan ng aktor

- Hindi din nagpatalo si Diego at sinagot ito na siya ang mas maswerte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila handa nang ipakita sa publiko ng magkasintahang Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang tungkol sa kanilang pag-ibig sa isa't-isa.

Mas bukas na sila sa pagbabahagi ng kanilang saloobin kaugnay sa kanilang pag-iibigan simula nang aminin nila ang kanilang relasyon.

Matapos isapubliko ni Diego ang tungkol sa kanila ni Barbie ay inamin din ng aktres ang tungkol sa kanilang relasyon na umano'y nagsimula sa pagkakaibigan.

Barbie Imperial, kinumpirma ang napabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga
Diego Loyzaga at Barbie Imperial, kinakiligan dahil sa kanilang sagutan sa social media

Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panibagong Instagram post ni Diego ay kinakiligan ng mga netizen's ang komento ni Barbie. Aniya, ang swerte niya naman sa kanyang boyfriend.

Hindi naman nagpatalo si Diego at sinagot si Barbie na siya ang mas maswerte.

Naging tampulan ng tukso ang dalawa dahil sa kanilang palitan ng mensahe. Maging ang kanilang mga kaibigan sa showbiz ay nagbahagi din ng kanilang kasiyahan para sa dalawa.

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, kinakiligan dahil sa kanilang sagutan sa social media

Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng Los Bastardos kung saan isa siya sa bida.

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

Kamakailan ay isinapubliko ni Diego ang tungkol sa kanyang mensahe ng pasasalamat kay Barbie dahil sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel