Diego Loyzaga, inamin ang relasyon nila ni Barbie Imperial

Diego Loyzaga, inamin ang relasyon nila ni Barbie Imperial

- Isinapubliko ni Diego Loyzaga ang tungkol sa espesyal na pagtingin niya kay Barbie Imperial

- Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Diego ang isang litrato kung saan nakatitig sila sa isa't-isa nang nakangiti

- Pinasalamatan ng aktor si Barbie dahil ito ang dahilan upang maging makabuluhan ang huling bahagi ng taong 2020 para sa kanya

- Marami sa mga kaibigan ng dalawa sa showbiz ang bumati sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Diego Loyzaga ang namumuong pagtitinginan nila ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial. Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Diego si Barbie dahil sa naging dahilan umano ito para maging makabuluhan ang huling bahagi ng taong 2020 para sa kanya.

Isang litrato din ang kanyang ibinahagi kung saan makikita ang babaeng nakakapit sa kanyang leeg at nakangiti habang silang dalawa at nagkakatitigan.

Read also

Meryll Soriano, isinapubliko ang pagbabalikan nila ni Joem Bascon

Diego Loyzaga, inamin ang relasyon nila ni Barbie Imperial
Photo from Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram
Happy new year to us thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021

Sa isang post naman ni Barbie, mapapansin ang comment ni Diego sa litrato ni Barbie na kuha sa swimming pool at tila nagpapahiwatig na siya ang kumuha sa nasabing litrato.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa kanilang mga kasamahan sa showbiz ang bumati sa dalawa kabilang na sina Enzo Pineda, Melai Francisco at ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan.

Kabilang sa nagpahayag ng kanyang kasiyahan para sa dalawa ay si Sunshine Cruz na malapit sa kanilang parehas.

Si Diego ay anak ng dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano. Malapit din si Diego sa mga kapatid niya sa ama na anak ni Sunshine.

Kasalukuyan namang magkatrabaho sina Sunshine at Barbie sa isang teleserye sa Kapamilya network kung saan gumaganap silang mag-ina.

Read also

6 Pinoy celebrity houses na ipinasilip ngayong 2020

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano.

Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng Los Bastardos kung saan isa siya sa bida.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel