Meryll Soriano, isinapubliko ang pagbabalikan nila ni Joem Bascon

Meryll Soriano, isinapubliko ang pagbabalikan nila ni Joem Bascon

- Sa kanyang pagbati para sa bagong taon, ibinahagi ni Meryll Soriano ang litrato ng kanyang pamilya

- Bukod sa anak na si Elijah Pineda Palanca, kasama niya sa nasabing litrato ang dating kasintahang si Joem Bascon

- Kasama din sa mga ibinahagi niyang litrato ang isang sanggol na karga-karga niya

- Matatandaang lumabas ang balitang nagkabalikan ang dalawa noong Enero ng nakaraang taon kung saan nagkasama sila sa teleseryeng Starla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat sa mga litratong ibinahagi ni Meryll Soriano ngayong unang araw ng taong 2021. Kalakip ng mga litrato ay ang kanyang pagbati mula sa kanyang pamilya.

Hindi man tahasang inamin, makikita sa mga litrato na kasama nila ng anak na si Elijah Pineda Palanca ang aktor na si Joem Bascon at isang sanggol.

Meryll Soriano, isinapubliko ang pagbabalikan nila ni Joem Bascon
Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram
May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!

Read also

5 na maiinit na kontrobersiyang bumalot sa Pinoy showbiz sa taong 2020

Samantala, Bago pa magbagong taon ay ibinahagi ni Meryll ang litrato ng paa ng isang bagong silang na sanggol.

Lumabas ang balitang muling nagkabalikan sina Meryll at Joem noong Enero taong 2020 kung saan nagkasama sila sa teleseryeng pinabidahan ni Judy Ann Santos, ang "Starla."

Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN television show na ‘I Love Betty La Fea’ noong 2008 kung saan sila unang nagkatrabaho at naging magkarelasyon. Gayunpaman, Oktubre ng taong 2010 nang kumpirmahin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll.

Naging mailap ang dalawa sa media kaugnay sa napabalitang muli nilang pagbabalikan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

Read also

6 Pinoy celebrity houses na ipinasilip ngayong 2020

Matatandaang inamin ni Meryll ang pagkakaroon niya ng mental condition na bipolar disorder.

Si Joem naman ay nagkaroon ng walong taong relasyon sa vlogger na si Crisha Uy. Naging emosyonal si Crisha nang isapubliko nito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong Disyembre ng 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel