Diego Loyzaga, hindi pa rin bumabalik sa taping ng Los Bastardos

Diego Loyzaga, hindi pa rin bumabalik sa taping ng Los Bastardos

- Napabalitang tinangka umano ng aktor na si Diego Loyzaga na tapusin ang sariling buhay

- Gayunpaman, nagsalita ito na wala daw katotohanan iyon sa pamamagitan ng text message

- Tila naman ikina intriga ng mga tagapanuod ng Los Bastardos ang biglang pagkawala nito sa mga eksena sa mga huling episode ng palabas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakabahala na balita, bagamat di-kumpirmado, ang lumabas ngayong umaga tungkol sa isang young aktor na diumano nagtangkang magpakamatay.

Napag-alaman ng KAMI na bagamat walang kumpirmasyon, ang pangalan ni Diego Loyzaga ang lumabas.

Lalo pang naging maugong ang balitang ito matapos biglang hindi na napanood sa seryeng Los Bastardos ang binata. Ayon pa sa ulat ng Bandera, Hindi pa umano bumabalik sa taping si Diego.

“Wala pa. Hindi pa. Pero kahit kami hindi talaga namin alam ang totoo, Ano ba talaga?” balik-tanong nito sa amin. “Kung ano rin po yung lumabas at naibalita, yun lang din po ang alam namin,” sagot ng source.

Ayon sa isang report na lumabas sa PEP, tinangka nilang kunan ng pahayag ang kampo ni Diego pero wala silang sagot na nakuha.

Ang Star Magic lamang, ang ahensya na nangangalaga sa karera ni Diego ang nagbigay ng pahayag tungkol sa aktor.

Sabi nila, "Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thank you."

Maaalalang noong November 7, gabi, isang reporter ng TV5, si Laila Chikadora, ang nag-post ng blind item sa Facebook.

"Young actor of showbiz blood commits suicide.

"Slashes neck and wrists with a swiss knife.

"He is in a hospital somewhere in QC now; conscious."

"Please don’t let your inner demons win. I will pray for you. Sad."

Ayon sa PEP, sa huling gabi daw ng lamay para kay Rico J. Puno, naging usap-usapan din ang paksang ito.

Nireport din ng PEP na sa pagkalap nila ng impormasyon galing sa iba't-ibang sources, ang pangalan ni Diego Loyzaga ang lumabas.

Ang source ng PEP ang nagsabi na ang insidente daw ay nangyari November 6 ng gabi, Martes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May nakarinig daw kay Diego na may kausap sa telepono at sinabing kaya pa raw niya.

Next thing, nagtangka diumano ang aktor na gilitan ang kanyang sariling leeg gamit ang Swiss knife.

Ang tumawag ng paramedics ay mga kasamahan ni Diego daw sa bahay at sila nagbigay ng first aid.

Nang siya'y kumalma, sinugod daw siya sa St. Luke's Medical Center, Quezon City.

Hanggang ngayon, nag-aantay pa ng pahayag galing sa pamilya ng aktor.

Si Diego Loyzagay ay anak ni Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel