Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens
- Viral sa social media ang pamamaril ng isang pulis sa Paniqui, Tarlac sa mag-inang kapitbahay nila dahil lamang sa 'boga' at dating iringan ukol sa 'right of way'
- Matapos makita ng publiko ang kabuuan ng pangyayari sa viral video, marami sa kanila ang humanga sa ina na sinuong ang panganib, maprotektahan lamang ang anak
- Kahit alam nitong delikado at may hawak nang baril ang pulis, hindi nito binitawan ang anak hanggang sa huling hininga nilang mag-ina
- Hustisya rin ang sigaw ng maraming netizens para sa mag-inang walang-awang pinagbabaril ng pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kalat na kalat na sa social media ang aktwal na video kung paano pinaslang ang mag-inang sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25 ng nakaalitang pulis na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac.
Nalaman ng KAMI na naingayan umano si Nuezca sa pinaputok na boga ng pamilya Grogorio kaya napasugod ito.
Subalit muling naungkat umano ang dati nilang iringan ukol sa 'right of way' kaya mas nagkainitan ang magkabilang panig.
Dumating pa umano ang anak ni Nuezca na nakisali sa gulo dahilan upang mas lalong mainsulto ang pulis at tinuluyan nang kitilin ang buhay ng mag-ina.
Kasalukuyan nang nasa kamay ng mga awtoridad ang suspek na posibleng maharap sa kasong double murder.
Samantala, sa kabila ng sinapit ay hinangaan pa rin ng maraming netizens ang inang si Sonya na hindi binitawan ang anak na si Frank.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbac
Kahit na nakaamba na ang baril ni Nuezca, yakap-yakap pa rin ni Sonya ang anak hanggang sa huli nilang hininga.
"This is Aling Sona, 52. Siya yung matandang walang awang pinagbabaril sa ulo ng isang isang pulis. Alam niya 'yung danger, she knew the police was holding and threatening with a gun, pero she just didn't care," caption ng post ng Pilyong Meme page.
"All she wanted was to be at the side of her son: defend him, take bullets for him. A great example of how much love a mother can give to her son," ayon pa rin sa post.
Hangad din ng maraming netizens na makamit ng mag-inang Gregorio ang hustisya sa kanilang sinapit sa taong dapat daw ay nagpoprotekta sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa naunang post ng KAMI, naihayag na kusa nang sumuko ang suspek sa Pangasinan na agad naman nai-turnover sa Paniqui Police.
Maging ang mga kilalang personalidad ay hindi naiwasang magbigay ng kanilang pananaw ukol sa nakakadurog ng pusong insidente.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh