Mga artista, nag-post ng saloobin ukol sa pag-patay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac
- Pinaslang ni Police SMSgt. Jonel Nuezca ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac
- Ang mga biktima ay sila Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25
- Maraming artista ang nag-pahayag ng kanilang saloobin ukol sa naganap na krimen
- Kasama dito sina Maine Mendoza, Julie Anne San Jose, Maris Racal, Robi Domingo, Raffy Tima, Richard Juan, at Alex Diaz
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay naging laman ng headlines matapos niyang paslangin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon sa report ng The Philippine Star.
Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.
Dahil sa malungkot na balitang ito, maraming artista ang nag-pahayag ng kanilang saloobin ukol sa naganap na krimen.
Kabilang dito sila Maine Mendoza, Julie Anne San Jose, Maris Racal, Robi Domingo, Raffy Tima, Richard Juan, at Alex Diaz. Ang mga artistang ito ay talagang apektado at nasaktan dahil sa sinapit ng kawawang mag-ina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Maine Mendoza: “Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubungad sayo. Ang sakit talaga sa puso... #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality... BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio."
Julie Anne San Jose: “Ang sakit sa puso. Napakaimmoral.”
Maris Racal: “PAANO NA LANG KUNG WALANG VIDEO YUN? #StopTheKillingsPH”
Robi Domingo: “Just saw this video. Where's the commitment to serve and to protect!? This disgusts me. Tapos, we'll hear the words, ‘We'll investigate it.’ WE NEED JUSTICE. FILIPINOS DESERVE BETTER.”
Raffy Tima: “When you normalize violence, it does become normal. And if it becomes normal, it will become deadly. And in a civilized world, that is unacceptable.”
Richard Juan: “Did a policeman seriously just murder two unarmed civilians in broad daylight IN FRONT OF HIS OWN KID?!??”
Alex Diaz: “Our Law Enforcement does not make us feel safe. Our streets do not feel safe—this is not okay.”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pag-baril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.
Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pag-paslang sa nasabing ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.
Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.
Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh