Away ng pulis at mag-ina sa Tarlac, dahil sa ‘boga’ at ‘right-of-way’
- Sumuko na si Police SMSgt. Jonel Nuezca matapos paslangin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac
- Ang mag-inang biktima ay sila Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25
- Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga”
- Ang boga na pinag-awayan ng pulis at mga biktima ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay sumuko na matapos paslangin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon sa report ng The Philippine Star.
Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.
Ayon sa report ng Unang Balita ng GMA News, ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.
"Pumunta yung police sa bahay ng biktima at nagkaroon ng pagtatalo, naungkat ang matagal na nilang alitan sa right-of-way," sinabi ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa sa Unang Balita.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa ulat naman ng ABS-CBN News, ginawa raw ni Nuezca ang pag-suko sa pulis sa Panganisan. Ang suspek ay assigned sa Parañaque City Crime laboratory sa panahon na nangyari ang krimen.
Dagdag pa ni Lt. Col. Rombaoa, kailangan daw i-practice ng kapulisan ang maximum tolerance sa mga civilians at dalhin daw sa tamang forum kung may reklamo laban sa kapwa.
"Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas. Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan, puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin," sinabi ni Rombaoa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pag-baril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.
Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pag-paslang sa nasabing ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.
Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh