Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

- Ibinahagi ni Meryll Soriano ang litrato ng bagong baby na isinapubliko niya kamakailan

- Hawak-hawak ito ng ama ni Meryll na si Willie Revillame na kanyang tinawag na Lolo ng nasabing sanggol

- Walang karagdagang detalyeng ibinahagi ang aktres ngunit bago niya ito ibinahagi nauna niya nang ipinakita ang kanilang family picture

- Kasama sa nasabing picture si Joem Bascon, ang anak na si Elijah Palanca at ang bagong baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakangiti ang TV host na si Willie Revillame sa bagong Instagram post na ibinahagi ni Meryll Soriano kung saan karga-karga niya ang isang sanggol.

Ito din ang baby na nauna nang ipinakita ni Meryll sa mga netizens sa kanyang pagbati sa bagong taon kung saan sinabi niyang iyon ay pagbati mula sa kanilang pamilya.

Kalakip ng nasabing pagbati ay ang litrato niya kasama sina Joem Bascon, anak na si Elija Palanca at ang bagong baby.

Read also

Crisha Uy, trending sa social media matapos magbahagi ng makahulugang mensahe

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame
Photo from Meryll Soriano (planetumeboshi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panibagong post naman ng aktres kung saan karga ni Willie ang sanggol, "With Lolo" ang nakalagay na caption.

Lumabas ang balitang muling nagkabalikan sina Meryll at Joem noong Enero taong 2020 kung saan nagkasama sila sa teleseryeng pinabidahan ni Judy Ann Santos, ang "Starla." Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN television show na ‘I Love Betty La Fea’ noong 2008 kung saan sila naging magkarelasyon.

Gayunpaman, Oktubre ng taong 2010 nang kumpirmahin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll. Naging mailap ang dalawa sa media kaugnay sa napabalitang muli nilang pagbabalikan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal. Matatandaang inamin ni Meryll ang pagkakaroon niya ng mental condition na bipolar disorder.

Read also

Meryll Soriano, ibinahagi ang ginawang paghahanda para sa panganganak

Si Joem naman ay nagkaroon ng walong taong relasyon sa vlogger na si Crisha Uy. Naging emosyonal si Crisha nang isapubliko nito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong Disyembre ng 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel