Meryll Soriano, ibinahagi ang ginawang paghahanda para sa panganganak

Meryll Soriano, ibinahagi ang ginawang paghahanda para sa panganganak

- Matapos ihayag ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong baby ay naging laman ng balita si Meryll Soriano

- Lalong naging maingay ang usap-usapan tungkol sa kanyang panganganak matapos niyang isa-publiko na nagkabalikan sila ni Joem Bascon

- Gayunpaman, limitado ang mga detalyeng ibinahagi ng aktres sa pamamagitan ng kanyang social media account

- Sa isang Instagram Story ay ipinakita ni Meryll ang kanyang selfie na umano'y kanyang 2 weeks post-partum body

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging laman ng mga balita sa iba't-ibang showbiz news site si Meryll Soriano matapos niyang isapubliko ang panganganak kamakailan sa kanyang baby no. 2.

Wala pang pinapaunlakang panayam si Meryll kaya wala pang masyadong detalye tungkol sa kanyang panganganak ngunit kamakailan ay nagbahagi siya ng pagbati mula sa kanyang pamilya kalakip ng litrato niya kasama ang panganay na anak na si Elijah Palanca, ang aktor na si Joem Bascon at ang kanyang baby.

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko
Meryll Soriano, ibinahagi ang picture,dalawang linggo matapos niyang manganak

Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ni Meryll ang kanyang selfie na umano'y kanyang 2 weeks post-partum body.

Kwento niya, sa edad na 38 ay determinado siyang ihanda ang katawan niya sa panganganak at masaya siyang naipanganak niya ang kanyang baby sa pamamagitan ng normal delivery.

Meryll Soriano, ibinahagi ang picture,dalawang linggo matapos niyang manganak

Photos from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

Matatandaang lumabas ang balitang muling nagkabalikan sina Meryll at Joem noong Enero taong 2020 kung saan nagkasama sila sa teleseryeng pinabidahan ni Judy Ann Santos, ang "Starla." Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN television show na ‘I Love Betty La Fea’ noong 2008 kung saan sila naging magkarelasyon.

Gayunpaman, Oktubre ng taong 2010 nang kumpirmahin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll. Naging mailap ang dalawa sa media kaugnay sa napabalitang muli nilang pagbabalikan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

Kamakailan ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon.

Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revillame ang kanyang baby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel