OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko

- Ipinagmamalaki ng isang OFW ang kanyang amo na ipinaghanda siya noong Pasko

- Bukod pa rito, niregaluhan pa siya nito ng alahas kaya naman labis ang tuwa ng Pinay

- Kahit nangungulila sa kanyang pamilya sa Pilipinas, naibsan naman ang kalungkutan dahil sa biyayang natanggap mula sa mabait niyang amo

- Gayunpaman, umaasa siyang balang araw ang mararansan muli niyang magsimba at makasalo ang pamilya sa Noche Buena bilang pagsalubong sa Kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang OFW ang proud sa kanyang mabait na amo na nagawa siyang ipaghanda bilang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ibinahagi sa KAMI ni Edrey John Abalo kabutihan ng kanyang amo na bukod sa binilhan siya ng mga pagkain para sa munting handa nito sa Pasko ay nabigyan pa siya nito ng regalo.

"Merry Christmas po sa lahat! Kahit may handa pa diyan kung miss mo na pamilya mo, walang ganang kumain. Pero, flex ko lang po ang amo ko na nag-effort para ipagdiwang ang araw ng Pasko at may pa-gift din po si madam ko. Feeling blessed lang po kaya na-share ko lang mga kabayan. Merry Christmas po sa lahat ng mga ka-OFW sa buong mundo. laban lang para sa pamilya. thank you po!" ang pahayag ni Edrey.

Read also

Pasahero ng bus na lumiyab, isinalaysay ang kanyang nasaksihan

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko
Photo supplied by Edrey John Abalo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dalawang taon na siyang nangingibang-bansa at masasabing mapalad siyang maayos ang napuntahan niyang amo na marunong magpahalaga sa kanya.

Malungkot man at hindi na muling nakasimba at nakasama ang pamilya sa Noche Buena bilang pagdiriwang ng Kapaskuhan, naibsan naman ito nang dahil sa kabutihang ipinakita ng amo.

Sa ganitong paraan, naramdaman niya ang pagpapahalaga nito sa kanya taliwas sa ibang mga di magandang nababalitaan natin tungkol sa mga kababayan natin na naghahanapbuhay sa ibang bansa.

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko
Ang munting salo-salo na inihanda ng amo ni Edrey Photo supplied by Edrey John Abalo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko
Ang regalong alahas ng amo ni Edrey Photo supplied by Edrey Abalo
Source: Facebook

Samantala, tulad ni Edrey, ilan na sa ating mga kababayang OFW ang nagbahagi ng kanilang kwento sa KAMI kaugnay sa kabutihan ng kanilang amo na labis nilang ipinagpapasalamat.

Isa na rito ang Pinay na nakita lamang daw na malungkot ng kanyang amo ay ipinamili na siya nito ng grocery at ilang gamit na hindi niya akalaing para sa kanya pala.

Read also

Russu Laurente at Crismar Menchavez, umaming naki-#YesToAbsCbnShutdown

Gayundin ang isa nating kababayan sa Malaysia na dahil sa kabutihan ng amo na di na iba ang turing sa kanya, mabilis siyang nakapagpundar ng bahay at ari-arian sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica