OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya

- Masuwerte ang isang OFW sa Saudi Arabia nang makatapat siya ng amo na napakabuti raw umano sa kanya

- Bukod sa naglalaan ito ng araw para sila'y makapag-grocery ng kanyang gamit o pagkain, ginawa pa nitong taasan ang kanyang sahod lalo na nang mag-pandemya

- Aminado siyang hindi niya agad na nakasundo ang amo noong una ngunit dahil sa maayos din ang pakikitungo niya rito, di nagtagal ay sinuklian din ito ng amo

- Tapos man ang kontrata, in-extend na lamang siya roon at mapalad pa rin siyang mayroong trabaho kung saan kasundo pa niya ang amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya
Photo supplied by Sam Mantha
Source: UGC

Isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pangingibang bansa.

Masasabi kasing isa siya sa mga masuwerteng OFW na nakatapat ng mabait at mapagmalasakit na amo.

Aminado man na sa umpisa ay tila hindi niya nakasundo agad ang kanyang "madam", nakuha rin niya ang loob nito at kalaunan ay naging napakabuti na rin nito sa kanya.

Read also

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

End of contract na sana ng OFW subalit in-extend na lamang umano ang kanyang kontrata.

Ang maganda pa rito, tinaas pa ng kanyang amo ang pasahod sa kanya dahil bumaba ang palitan ng pera ngayong pandemya.

Proud na proud daw siya sa kanyang madam na itinuturing na rin niya umanong pangalawang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya
Photo supplied by Sam Mantha
Source: UGC

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Sam Mantha na ibinahagi niya sa KAMI:

"Sabi ni madam di ka na naman nag iingay, palagi kang nakatulala sa balita, sama ka sakin hanap tayo ng isda. Dahil wala gaanong fresh, nag-ikot na lang kami sa grocery.

Iyong tipong lakad dampot na wala sa ayos hanggang nag-counter di ako nag iintindi.

Sa bahay ko na napansin na karamihan ng laman ng basket para sakin; dahil di naman nmin grocery day talaga ngayon, sa Sunday pa.

Salute talaga ako sa madam ko na super love ako. Alam kasi niya na tulala ako madalas sa nakikita ko sa balita sa Pilipinas.

Sa lahat ng bigay niya, isang halik lang sa pisngi masaya na siya sabay sabing "I want you always happy."

Na-guilty ako sabay sabing "ok bukas po happy na ako..."

Para makabawi, ako na nag offer na magtirintas ng buhok niya habang nagpapaantok sa sala....

Ganito kami palagi basta di gaano busy sa business niya. Para akong nakakuha ng pangalawang ina. Thanks be to God

Share lang. Bigat kasi pakiramdam ko. Di ko alam sa awa ba sa mga kababayan natin o lungkot. Tahimik na dasal na lang ang nagagawa ko."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing mapalad talaga si Sam at mayroon pa rin siyang hanapbuhay lalo na at karamihan ng mga kababayan nating OFW ay nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Ang iba naman, nakahanap din ng mabuting amo na maayos na magpasahod kaya unti-unti na ring nakapagpundar ng bahay at iba pang ari-arian.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica