OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

- Kahanga-hanga ang OFW na ito na sa loob lang ng mahigit na dalawang taon ay nakapagpundar na ng sarili niyang bahay.

- Aminado man siyang di kalakihan ang sahod niya sa ibang bansa, sinikap pa rin niyang makapagpatayo ng bahay

- Na-inspire daw siya sa mga kapwa niya OFW na nakikita niyang nagbubunga ang mga pinaghirapan sa ibang bansa

- Bukod sa pagiging isang OFW, aspiring vlogger din siya at nais niyang maibahagi ang kwento ng kanyang buhay para maka-inspire din sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

Photo from Sheryl Ramos Devera
Source: UGC

Ibinahagi ng OFW na si Sheryl Ramos Devera kung paano niya nakamit ang isa sa kanyang mga minimithi sa buhay at ito ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan.

Nalaman ng KAMI na mahigit dalawang taon pa lamang sa Saudi si Sheryl subalit nakamamangha na mayroon agad resulta ang kanyang mga sakripisyo at paghihirap doon.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Aminado mang di kalakihan ang sahod ngunit kinaya niyang makapagpasimula na ng pagpapatayo ng sariling tahanan.

Sa ngayon, bukod sa pagiging OFW, pinasok na rin niya ang pagiging isang YouTuber.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Sheryl na sana raw ay maka-inspire din sa mga kapwa niya OFW:

Share ko lang katas ng Saudi. Bunga ng dalawa't kalahating taong kakakuskos. Siguro para sa iba isa lang itong ordinaryong bahay pero para sakin, isa ito sa katuparan ng pangarap q at ng aking pamilya. Isa ito sa pinakamalaking biyayang natanggap namin mula sa Itaas.

Kapalit ito ng halos malayo ng loob sa akin ng nag iisang anak ko. Di pa siya fully-finished at na-short na sa budget. Wala pang CR.

Nung kadarating ko dito sa Middle east, nakakatuwa at nakaka-inggit yung mga nakikita kong mga kababayan ko na nagpo-post sa mga groups ng mga napundar nila. Isa sila sa naging challenge sakin kung bakit sinikap kong maka-ipon at makapundar ng kahit na simple at maliit na bahay kahit na napakaliit ng sahod sabi ko sa sarili ko, Kung kaya nila, kaya ko din at malamang, kaya mo rin.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Hindi man ako relihiyosong tao, pero naniniwala ako sa luma at gasgas ng kasabihan na "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Walang imposible sa taong may pangarap at disidido para sa pamilya. Mahirap maging isang OFW at malayo sa pamilya.

Pero mas masakit yung simpleng pangangailangan lang ng pamilya mo pero di mo maibigay yung tipong gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo.

Sa ngayon, maliban sa pagiging isang OFW na tiga-kuskos dito sa Middle East.. Susubukan ko ding pasukin ang mundo ng YouTube bilang isang vlogger.

"Sheryl Vlogs" nga po pala ang aking YouTube channel. Sana po matulungan niyo akong maging isang verified vlogger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Nakatutuwang isipin na dumarami na ang mga kwentong OFW kung saan mabilis nilang nakikita ang bunga ng kanilang mga pinaghihirapan sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Tulad na lamang ng isang Pinay sa Singapore na dahil sinuwerte sa kanyang amo, di lamang bahay ang naipundar kundi sariling tubuhan na maari nilang pagkakitaan.

Matatandaang nag-viral din ang Pinay na empleyado ng sikat na vlogger na si Supercar Blondie kung saan binigya siya nito ng limpak-limpak na salapi para sa college fund daw ng anak nito at para mayroon siyang pera sa kanyang pagreretiro.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel