OFW na nawalan ng trabaho, napauwi sa bansa at nabigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

OFW na nawalan ng trabaho, napauwi sa bansa at nabigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

- Isang OFW ang nawalan ng hanapbuhay sa Macau ang natulungan ni Raffy Tulfo at ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn Tulfo

- Siyam na taon na ang OFW sa ibang bansa ngunit dala ng pandemya, isa siya sa mga natanggal sa trabaho

- Bukod sa napauwi na siya sa bansa, natulungan pa siyang magkaroon ng sariling negosyo

- Dahil dito, hindi na mamomroblema ang OFW sa kanilang pagkakakitaan at kahit matapos na ang pandemya ay di na raw siya aalis pa ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na nawalan ng trabaho, napauwi sa bansa at nabigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Agad na natulungan nina Raffy Tulfo at Congresswoman Jocelyn Tulfo ang OFW na si Catherine Quitalab na nawalan ng trabaho sa Macau.

Nalaman ng KAMI na isa si Catherine sa mga nawalan ng trabaho dala ng pandemya.

Isang server sa restaurant sa Macau si Catherine at kahit siyam na taon na siya sa roon, isa pa rin siya sa mga natanggal nang magbawas ng mga empleyado sa trabaho.

Anak ng call center agent, ibinahagi ang huling sandali ng amang pumanaw sa trabaho

Nakabalik na ng bansa si Catherine kasama ang isang anak sa tulong mismo ni Congw. Jocelyn Tulfo.

Matapos ang 14 na araw na quarantine ng mag-ina, agad na inasikaso ng staff ng RTIA ang surpresa ng mag-asawang Tulfo ang surpresa nila sa pamilya ni Catherine.

Labis ang pasasalamat nina Catherine sa handog ng mag-asawang Tulfo na sari-sari store na punong-puno ng mga paninda.

Dahil dito, kahit daw matapos ang pandemya, hindi na raw mangingibang bansa pa ang dating OFW upang makasama at maalagaan ang mga anak at kanyang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isang batikang broadcast journalist sa bansa, kilala si Raffy Tulfo sa hindi matatawarang serbisyo publiko.

Larawan ng bride at groom, viral dahil sa 'sweet caption' nito

Sa pamamagitanng mga programa niya sa ilalim ng Raffy Tulfo in Action, naaabot siya ng mga kababayan natin saan mang panig ng daigdig na nangangailangan ng tulong.

Bukod dito, agaran din ang pag-aksyon niya sa mga sumbong ng kapwa nating naapi at humihingi ng hustisya.

Dahil dito, hindi nakapagtatakang umabot na sa 17 million ang mga subscribers sa kanyang YouTube channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel