Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT
- Isang transgender woman ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang kabarangay nilang nangungutya ng mga tulad niyang miyembro ng LGBTQ community
- Kitang-kita sa video ang panghahamak ng matanda sa transgender na noo'y dumadaan lamang daw sa bahay nito
- Pinagbantaan pa siyang saktan na ang dahilan lamang ay dahil hindi siya tunay na babae at inakusahan pa siya nitong puro retoke ang katawan
- Maging si Tulfo ang nagsabi na kakasuhan nila ang matanda upang maturuan ito ng leksyon sa ginagawa nitong diskriminasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sapul sa video ang ginagawang pangungutya ni "Aling Susan" sa kanyang mga kabarangay na miyembro ng LGBTQ community.
Nalaman ng KAMI na isa sa kanyang mga nabiktima na si Alexis Garcia ay dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang ginagawang panglalait at panghahamak sa kanila ng matanda.
"Grabe 'to! May kaso 'to, pakakasuhan natin ito. Pasensiya na Aling Susan kakasuhan ka namin," ang reaksyon mismo ni Tulfo nang makita ang video.
Bukod kasi sa masasakit na salita ay binantaan pa umanong sasaktan si Alexis ni Aling Susan.
Kwento pa ng transgender woman, napag-alaman niyang hindi lamang pala siya ang nabibiktima ng panglalait ng matanda.
Nang mai-post niya kasi niya kasi ang video ng ginawa sa kanya ni Aling Susan, marami ang nagkomentong miyembro ng LGBTQ na maging sila ay sila ay ginagawan at sinasabihan din ng hindi maganda ng matanda.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Saloob din daw ng halos sampung taon na paninirahan ni Alexis sa lugar, tanging si Aling Susan ang nangungutya sa kanya na dati'y pinalalampas lamang niya.
Maging ang kagawad ng kanilang barangay na si Kristine Ibardoloza ay minsan na ring nabiktima ng matanda.
Sinubukang kapanayamin ng 'Wanted sa Radyo' si Aling Susan upang marinig sana ang panig nito subalit hindi ito nagpaunlak ng interview.
Umaasa na lamang si Alexis na sisipot ito sa unang hearing nila sa barangay sa Nobyembre 11.
Sinabi rin ni Tulfo na susuporta siya hanggang sa tuluyan nang maturuan ng aksyon si Aling Susan.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bukod sa pagiging isang batikang broadcast journalist sa bansa, kilala si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.
Ilan sa kanyang mga programa ang nagiging daan upang matulungan niya ang mga kababayan nating humihingi ng saklolo, ordinaryong mamayan man o kilalang personalidad.
Sa dami ng kanyang mga tagahanga at sumusuporta, umabot na sa 17 million ang mga subscribers niya sa kanyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh