Raffy Tulfo, pinangaralan ang babae sa viral video na sinigawan pa ang lalaking nabundol niya

Raffy Tulfo, pinangaralan ang babae sa viral video na sinigawan pa ang lalaking nabundol niya

- Isinumbong sa programa ni Raffy Tulfo ang babae sa viral video na nagawa pang sigawan ang lalaking nabundol niya

- Ayon sa saksi, hindi na raw halos makatayo ang lalaking naka-bike na nabangga umano ng babaeng naka-kotse, nagawa pa raw itong bungangaan

- Bukod pa rito, pilit pa raw pinatatayo ng babae ang nabundol nito subalit hindi na ito magawa pa ng biktima na di maganda ang lagay

- Maging ang saksi na nakakuha ng video sa pangyayari ay nadamay dahil sa paghablot umano ng babae ng kanyang cellphone dahilan para ito ay masira

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, pinangaralan ang babae sa viral video na sinigawan pa ang lalaking nabundol niya

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video kung saan kitang-kita kung paano binungangaan ng isang babae ang lalaking naka-bike na kanyang nabundol.

Nalaman ng KAMI na ang saksing si Frances Sucayre na siyang nakakuha ng video ng pangyayari ang dumulog kay Tulfo upang maisumbong ang ginawa ng babaeng si Athena Aphrodite.

Video ng lalaking nagkape at tumambay sa labas sa kasagsagan ni "Rolly", viral

Makikita sa video na nakahandusay na sa gilid ng kalsada ang biktimang si Manuelito Suplido habang diretso pa rin sa pagsigaw at pagbubunganga ng nakabangga sa kanya na tila sinisisi pa umano siya nito.

Sa kanyang paliwanag, nataranta na raw umano si Aphrodite dahil pinalibutan na siya ng mga riders na naroon sa pinangyarihan ng insidente.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ng nakabangga, nanginginig na raw umano siya ng mga oras na iyon na agad namang pinagdudahan ni Tulfo dahil taliwas ito sa mga pangyayaring nasapul ng video.

Dahil dito, napangaralan ni Tulfo si Aphrodite dahil sa di maganda ang inasal nito kung saan halos di na nga makatayo ang kanyang nabundol, nagawa pa niyang sigawan at pilit na pinatatayo.

Dinala naman ni Athena si Manuelito sa ospital upang malapatan ng lunas.

Nagkasundo na lamang ang magkabilang panig nang pumayag ang babae na ipaayos ang bike ng kanyang nabangga ay babayaran ang P7,500 na mawawala sa lalaki dahil hindi pa siya makakapasok ng trabaho.

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Maging ang nasirang cellphone ng rider na kumuha ng video ay ipaaayos na rin ni Athena.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging batikang broadcast journalist, mas nakilala si Raffy Tulfo sa agaran niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng mga naaapi nating kababayan.

Marami na rin siyang natulungang mga kapus-palad na kababayan lalong lalo na ngayong dumaraan sa matinding krisis ang bansa dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel