Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, idinetalye ang pangyayari sa RTIA
- Humingi na ng tulong sa "Raffy Tulfo in Action" ang misis ng nabaril na construction worker Sa Pampanga dahil sa napagkamalan umano itong magnanakaw ng pulis
- Naganap pa umano ang insidente ng paghabol sa napagkamalang suspek sa mismong kaarawan ng bunsong anak nito
- Hindi raw matanggap ng misis ang paliwanag ng pulis na hindi sinasadya ang pangyayari gayung hindi raw umano nito tinantanan ang kanyang asawa
- Pakiusap din ng misis na maayos ang naisampang kaso sa pulis gayung maari pa raw itong magpiyansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Emosyonal ang misis ng construction worker na napagkamalang magnanakaw ng pulis nang isalaysay nito ang pangyayari sa programa ni Raffy Tulfo.
Nalaman ng KAMI na dumulog na sa 'Idol in Action' si Carla Pineda upang matulungan siya ni Tulfo na mabigyan ng hustisya ang biglaang pagkamatay ng asawa.
Kwento ni Carla, kaarawan pa naman ng bunsong anak nila nang mangyari ang insidente. Mayroon lamang inihatid ang kanyang mister, subalit sa pagbalik nito, doon na siya hinabol ng pulis na napagkamalan umano siyang suspek sa nakawan sa pisonet sa kanilang lugar.
Katulad ng suot ng suspek ang damit ng mister ni Carla na noo'y naka-white sando.
Pinatitigil umano ang mister niya na nakasakay sa motorsiklo ng pulis na sinimulan na siyang habulin.
Hindi raw mabilis ang patakbo ng mister ngunit nang lumiko na ito sa isa pang kalsada, doon na raw ito pinaputukan ng baril.
Ayon kay P/Capt. Renimer Pornia, chief of police sa Sta. Rita Pampanga, sinisigawan na umano ng pulis na si Patrolman Eframe Ramirez noon ang mister ni Carla na si Federico.
Paliwanag naman ni Tulfo, malaki nga naman ang posibilidad na hindi talaga maririnig ni Federico ang pagtawag sa kanya ng pulis na wala ring ibang ginamit na pang-alerto sa kanya.
"Kaya nga sinasabi ko sir, merong wang-wang o may ilaw yung motorsiklo ng pulis na to inform yung hinahabol nila na 'oy, ako pulis iniilawan kita, winawang-wangan kita para huminto ka and then hihinto nga po yung hinahabol nila," ayon kay Tulfo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Aminado rin si P/Capt. Pornia na may pananagutan nga ang nagrespondeng pulis na si Patrolman Eframe Ramirez sa nangyari.
Nakipag-ugnayan na rin siya sa pamilya ng biktima upang makasuhan si Eframe na kasalukuyan nang nakaditena sa pulisya.
Panawagan naman ng misis nito na makulong ng habang buhay ang nakabaril sa mister gayung may piyansa pa umano ang kasong naisampa rito.
Hindi rin daw umano katanggap-tanggap na hindi sinasadya ang pangyayari gayung umabot pa sa punto na nang matamaan ang mister ay gumapang pa ito sa talahiban.
"Paanong hindi sinasadya, e gumagapang na ang mister ko sa talahib sinabihan nila na 'lumabas ka na, may tama ka di ka na magtatagal," emosyonal na pahayag ng biyuda ni Federico.
Samantala, magbibigay umano ang pulisya ng P50,000 na tulong pinansyal sa naulila ni Federico at bibigyan ng scholarship ang mga anak nitong may edad 9 at 7.
Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Isa rin sa mga tinututukang kaso ni Tulfo ang pagkamatay ng mag-inang Sonia at Frank Gregorio na nakunan ng video ang pamamaril sa kanila ng pulis na si Jonel Nuezca.
Kamakailan ay namagitan na rin si Tulfo sa kontrobersyal na kaso ng pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh