Raffy Tulfo sa Christine Dacera case: "It's not over until it's over"
- Maging si Raffy Tulfo ay namagitan na rin sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera
- Sa isang bahagi ng episode ng programa niyang "Wanted sa Radyo", tinawag ni Tulfo ang atensyon ng awtoridad kaugnay sa mga espekulasyong inilalabas ng mga ito na umano'y magkakasalungat
- Kinausap din ni Tulfo ang kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun upang maipaliwanag ang medico legal na isinagawa kay Dacera
- Kinapanayam din ni Tulfo ang isa sa mga inaakusahang suspek na si Gregorio De Guzman na anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tumutok na rin si Raffy Tulfo sa kontrobersyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Sa kanyang programa na Wanted sa Radyo, naglaan ng oras si Tulfo upang magbigay ng ilang kalinawan sa tila raw magkakasalungat na impormasyong nailalabas ng awtoridad.
"Sinasabi po ng PNP thru General Debold Sinas yung hepe ng buong kapulisan at saka ng chief of police ng Makati na si Col. Harold Depositor na 'case closed', 'case solved. Sa kabilang banda, si P/BGEN. Vicente Danao Jr. ang hepe ng NCRPO, iba naman ang sinasabi," paliwanag ni Tulfo.
Sinang-ayunan ni Tulfo ang pahayag ni General Danao kung saan sinabi nitong hindi pa maituturing na "solved" ang kaso lalo na at hindi pa umano natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng sino ang gumawa ng krimen o may panghahalay ba talagang naganap.
"Eto yung sakin, it's not over until it's over. tama nga naman si Gen. Danao. Kailangan lahat ng mga suspek should be accounted for sa isang krimen before you declare it as case closed and all the pieces of evidence kailangan accounted for also and nama-match po yan. Kasama diyan yung DNA test, toxicology report etc," ang malamang pahayag ni Tulfo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Upang mabigyang linaw ang ilang mga katanungan ng mga netizens, kinapanayam ni Tulfo ang kilalang forensic patologist ng bansa na si Dr. Raquel Fortun na nagpaliwanag ng resulta ng medico legal na isinagawa sa biktima.
Maging ang isa sa mga inaakusahang suspek na si Gregorio De Guzman na anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente ay naglabas din ng pahayag sa programa ni Tulfo.
Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Bago matapos ang taong 2020, isa sa mga tinutukan niyang kaso ay ang malagim na pagkamatay ng mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio na nasapul sa video ang pamamaril sa kanila ng kapitbahay na pulis na si Jonel Nuezca.
Agad na nagpaabot ng tulong si Tulfo sa naiwang pamilya ng mag-ina. Nagbigay din siya ng private lawyer na tututok sa kaso. Nag-alok din si Tulfo ng pangkabuhayan sa mga naiwang mahal sa buhay nina Sonia at Frank.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh