Claire Dela Fuente sa Christine Dacera case: "Di totoo na nagtatago ang anak ko"
- Matapos na magsalita ng isa sa mga itinuturong suspek na si Gregorio Angelo Rafael De Guzman kaugnay sa Christine Dacera case, naglabas na rin ng pahayag ang ina nitong si Claire Dela Fuente
- Suportado raw umano ng veteran singer ang anak at alam niyang nagsasabi ito ng katotohanan na hindi nito pinagsamantalahan at pinatay si Dacera
- Katunayan, si De Guzman pa umano ang nag-CPR kay Dacera at sumama sa ospital maging sa pagpunta sa pulisya
- Umaapela rin si Dela Fuente sa publiko lalo na sa ina ni Dacera na maging balanse sa kaso upang huwag umanong makulong ang mga inosenteng tao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagsalita na rin ang veteran singer at negosyante na si Claire Dela Fuente kaugnay ng pagkakasangkot ng kanyang anak na si Gregorio Angelo Rafael De Guzman sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.
Ayon kay Rossane Ramos ng Pilipino Star Ngayon, nagpaunlak ng panayam si Dela Fuente at sinabing suportado ang anak.
Naiitindihan umano niya ang nararamdaman ng ina ng biktima sa ngayon subalit umaapela rin siya rito at maging sa publiko na sana'y maging balanse sa kaso upang hindi maikulong ang mga inosenteng tao.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
“Pero sana naman may balancing act, maging rasonable tayo para di tayo makasakit ng mga inosent at makapagbiktima ng ibang tao. Let’s not put innocent people in jail,” pahayag ni Dela Fuente.
At bilang ina, aminado rin si Dela Fuente na dismayado umano siya sa itinuturing na suspek ang kanyang anak sa pagkamatay ng flight attendant.
“This is so unfair but I know that God has a reason for all of this. The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko,” giit niya.
Kwento rin ni Dela Fuente kay Mario Dumaual ng ABS-CBN News, tinawagan pa umano siya ng anak habang tinutulungan nito ang biktima na nais pa umano nitong isalba ang buhay.
“Siya ang nag-CPR sa kanya. Gusto niya talagang mabuhay 'yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time, iyak siya nang iyak."
Sa hiwalay na panayam sa anak ni Dela Fuente sa GMA News, sinabi nitong bukod sa isa siya sa unang rumesponde sa walang malay noong si Dacerna, siya rin ang nagdala rito sa ospital. Isa rin siya sa dumiretso sa Police Station kaya wala raw umanong katotohanan ang mga paratang sa kanila na iniwan nila ang biktima.
Gayundin ang nabanggit ni Dela Fuente na wala umanong katotohanang nagtatago ang kanyang anak.
“Pairalin naman natin ang logic. At hindi totoo na nagtatago ang anak ko,"
“Together with our lawyer, I am here to support my son!” pagtatapos ni Dela Fuente.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Enero 1 nang matagpuang wala nang malay sa bath tub ng City Garden Hotel sa Makati City ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.
Kasama umano ni Dacera ang kanyang mga katrabaho upang salubungin ang Bagong Taon sa isang New Year's Eve party.
Labis ang paghihinagpis ng ina ni Dacera sa pangyayari lalo na at nakausap pa umano niya ito sa pamamagitan ng isang video call ang 12:35 ng umaga, ilang oras bago ito naideklarang dead on arrival sa ospital.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh