Kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera, "solved" na ayon sa PNP
- Itinuring na case "solved" na ang kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ayon sa PNP
- Ito ay matapos na maaresto ang tatlo umano sa mga suspek ayon mismo kay PNP Chief Debold Sinas
- Nasampahan na ng kaso ang tatlo habang ang siyam pa sa sinasabing mga suspek ay patuloy pa ring pinaghahanap
- Siniguro naman ng District Director of Southern Police District na si Police Brigadier General Emmanuel Peralta sa ina ng biktima na nasa General Santos City na patuloy ang imbestigasyon sa kaso upang tuluyang makamit ang hustisya para sa namatay na flight attendant
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Case "solved" na ang isa sa mga unang kaso ng taong 2021 kaugnay sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City.
Ito ay ayon sa report para kay DILG Secretary Eduardo Año mula sa mga pahayag mismo kay PNP Chief, Police General Debold Sinas.
Sa Facebook post ng Philippine National Police, kinumpirma ang pagkakadakip ng tatlo umanong suspek sa kaso na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido at John Paul Reyes Halili.
Ayon sa Philippine Star, siyam pa umanong suspek ang patuloy na pinaghahanap at mahaharap din sa isinampang kaso sa tatlong naaresto.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kumpirmadong kasama ng biktima ang mga suspek sa New Year's Eve party na naganap sa City Garden Hotel sa Makati City.
Bandang tanghali na ng Enero 1 nang makita ang walang malay na si Dacera na agad naman umanong nadala sa clinic ng nasabing hotel.
Subalit nang hindi na talaga ito magising, isinugod na ito sa Makati Medical Center kung saan siya idineklarang dead on arrival.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon pa kay PNP Chief Sinas, nakipag-ugnayan na ang District Director of Southern Police District na si Police Brigadier General Emmanuel sa ina ng biktima na nasa General Santos City para siguruhin ang patuloy na imbestigasyon sa kaso upang tuluyang makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Dacera.
Sa ulat ng GMA News, labis na naghihinagpis ang ina ng biktima sa nangyari lalo na at ipinagkatiwala umano niya ang anak sa mga kasama nito.
Nagawa pa raw kasing mag-video call ni Christine sa kanya bandang 12:35 ng umaga ng Enero 1 kaya naman halos di siya makapaniwala na sa araw ding iyon ay papanaw ang kanyang anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa lamang ang kaso ni Dacera sa mga bumungad sa atin sa pagbubukas ng taong 2021.
Matatandaang isa rin umanong 60-anyos na lalaki ang nasawi ng nang mahagip ng humaharurot na motor habang ito'y nagdiriwang ng Bagong Taon sa Davao City.
Samantala, isang bus din ang nagliyab matapos na silaban ng isang pasahero ang di umano'y nakaalitan nitong konduktora ng bus.
Bago naman matapos ang taong 2020, naganap ang pamamaslang ng isang pulis sa kapitbahay niyang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio sa tapat mismo ng pamamahay nito sa Paniqui, Tarlac.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh