Panawagan ng pamilya ni Christine Dacera: "Please, umamin na kayo!"

Panawagan ng pamilya ni Christine Dacera: "Please, umamin na kayo!"

- Hustisya ang sigaw ng pamilya ni Christine Dacera ang 23-anyos na flight attendant na natagpuang wala nang buhay sa isang hotel sa Makati

- Bagaman at naaresto na umano ang tatlong suspek, pinaghahanap pa rin ang walo pang dawit sa pagkamatay ni Dacera

- Hamon ng legal counsel ng pamilya Dacera sa mga suspek na lumantad na at kung wala umano silang kinalaman sa kaso ay malilinis pa ang pangalan at reputasyon ng mga ito

- Nauna nang ipinahayag ni PNP na 'solved' na ang kaso sa pagkakaaresto sa tatlong itinuturong suspek habang malaya pa ang iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hustisya ang hiling ng pamilya ng 23-anyos na si Christine Angelica Dacera na natagpuang walang malay sa bath tub ng isang hotel sa Makati City.

Sa panayam ng CNN Philippines sa legal counsel ng pamilya Dacera na si Atty. Jose Ledda III, sinabi nitong nararapat lamang na umamin na ang iba pang mga kasama ng biktima nang araw na matagpuan itong patay.

Claire Dela Fuente sa Christine Dacera case: "Di totoo na nagtatago ang anak ko"

"If you guys are truly the friends of Christine, please umamin na kayo,” ayon kay Ledda.

Panawagan ng pamilya ni Christine Dacera: "Please, umamin na kayo!'

Photo from @xtinedacera
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa nito, "Kung sa tingin ninyo wala kayong kasalanan, malinis ninyo ang reputasyon ninyo. Kasi hindi naman habang buhay pwede niyong takasan ‘tong nangyaring ito eh. The family deserves justice and peace."

Ayon kay Makati Police Chief Col. Harold Depositar, nagtalaga na umano sila ng team na siyang tututok sa posibleng kinaroroonan ng walo pang mga suspek na pinaghahanap.

Base sa ulat ng Yahoo, nasabi ni Depositar na may basehan umano ang posibilidad ng pagsasamantala sa biktima batay sa autopsy na nakatakdang ilabas di umano ngayong araw.

Sa naunang ulat ng Philippine Star, inihayag mismo ng Philippine National Police na solved na ang kaso matapos na maaresto at makasuhan ang tatlong suspek na pawang mga kasama umano ni Dacera noong araw na siya ay pumanaw.

Kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera, "solved" na ayon sa PNP

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 bandang tanghali nang makita umanong wala nang malay si Christine Dacera na nag-party kasama ang ilang mga katrabaho niya sa City Garden Hotel sa Makati City bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Labis ang paghihinagpis ng ina nito nang malaman ang nakakabagabag na balitang wala na ang anak na nakapag-video call pa sa kanya bandang 12:35 ng umaga ng araw ding iyon kung kailan ito namatay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel