Ina ng pumanaw na PAL flight attendant, nagtiwala sa colleagues ng anak nya

Ina ng pumanaw na PAL flight attendant, nagtiwala sa colleagues ng anak nya

- Ang ina ni Christine Angelica Dacera ay nagsalita na ukol sa mga colleagues ng kanyang anak na kasama niya sa gabing siya ay pumanaw

- Sinabi ni Sharon Dacera na pinagkatiwalaan nya ang mga lalakeng kasama ni Christine dahil mga ka-trabaho niya ang mga ito

- Dagdag pa niya, ipinakita pa nga raw sa kanya ni Christine kung sino ang mga kasama niya noong nag-video call sila ng Enero 1

- Wala raw siyang kamalay-malay na nasa delikadong sitwasyon na pala ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang ina ni Christine Angelica Dacera, ang 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines na natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City, ukol sa mga colleagues ng kanyang anak na kasama niya sa gabing siya ay pumanaw.

Ina ng pumanaw na PAL flight attendant, nag-tiwala sa colleagues ng anak nya

Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Sa report ng 24 Oras at GMA News, sinabi ni Sharon Dacera na pinagkatiwalaan nya ang mga lalakeng kasama ni Christine dahil mga ka-trabaho niya ang mga ito. Ipinakita pa nga raw sa kanya ni Christine kung sino ang mga kasama niya noong nag-video call sila ng Enero 1.

Nanay ng flight attendant na umano’y ginahasa, emosyonal sa video interview
“‘Sinong kasama mo, ‘nak?’ ‘Siyempre, ‘yung mga friends ko po rin na flight attendant.’ Sabi ko sino, so ‘yun pinakita niya sa’kin mga flight attendants. So, in short, since I really trust my daughter, [sabi] ko ‘Basta enjoy ka ‘te ha, enjoy enjoy lang ‘nak.’
“Wala akong any presumption na something will happen to my daughter, because siyempre ang kasama niya, mga kasamahan niya ring flight attendant,” sinabi ni Sharon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman sa interview ni Sharon sa ABS-CBN program na TV Patrol, dapat daw ay sumuko na ang mga lalakeng kasama ni Christine at dapat daw silang makulong dahil sa nangyari sa kanyang anak.

“Kung anumang kababuyan ang ginawa nyo sa anak ko, hindi deserve ng anak ko…
“Mamatay kayo sa kulungan! Buhay yung hiniram nyo sa amin, buhay din ang kabayaran! Pagsisihan niyo yan,” sinabi ni Sharon.
Masayang FB Live video ng flight attendant na umano’y ginahasa, nag-viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. Sinampahan na ng kaso ang sampung kasama ni Dacera sa hotel.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel