PAL flight attendant, natagpuang patay sa isang hotel room sa Makati

PAL flight attendant, natagpuang patay sa isang hotel room sa Makati

- Isang Philippine Airlines stewardess ang natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City

- Nag-check in sa City Garden Hotel si Christine Angelica Dacera, 23, at ang kanyang tatlong lalakeng colleagues noong Enero 1

- Sinabi ni Galida na nagising siya ng 10:00 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room

- Nagising ulit si Galida ilang oras pa ang nakalipas at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay

- Dead on arrival na si Dacera nang madala sa Makati Medical Clinic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang flight attendant ng Philippine Airlines ang natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City, ayon sa report ng Pilipino Star Ngayon.

Si Christine Angelica Dacera, 23, ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at John Dela Serna lagpas hating gabi ng Enero 1.

Read also

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

PAL flight attendant, natagpuang patay sa isang hotel room sa Makati
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10:00 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan nya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Ayon sa ABS-CBN News, dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma ang katawan ni Dacera, base sa initial investigation. Tinutukoy pa kung may drugs at alcohol na ininom si Dacera pero aneurysm daw ang secondary cause ng kanyang pagkamatay.

Read also

Diego Loyzaga, inamin ang relasyon nila ni Barbie Imperial

Hindi pa alam ang primary cause ng death at iimbestigahan din kung may pang-gagahasa bang nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay isang residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato. Isa rin siyang Philippine Airlines stewardess na pumanaw noong Enero 1.

Bukod sa pag-panaw ni Dacera, naging maingay din sa balita ang pagpanaw ng isang mag-ina sa Tarlac. Sila Sonia at Frank Gregorio ay binaril ng pulis na si Jonel Nuezca dahil sa away nila ukol sa firecracker na boga.

Naging headline din kamakailan ang pagpatay ng pulis na si Cpl. Eframe Ramirez sa isang construction worker na pinag-kamalan nilang holdaper. Ang biktima ay si Federico Pineda at nangyari ang insidente sa Brgy. San Matias, Pampanga.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel