Masayang FB Live video ng flight attendant na umano’y ginahasa, nag-viral

Masayang FB Live video ng flight attendant na umano’y ginahasa, nag-viral

- Si Christine Angelica Dacera ay naging laman ng headlines matapos siyang matagpuang patay sa isang hotel room sa Makati

- Dahil dito, nag-viral na rin sa social media ang masayang Facebook live video ni Dacera

- Makikita sa video na masayang nakikipag-bonding si Dacera sa kanyang mga mahal sa buhay

- Ang mga kasama ni Dacera sa nasabing video ay walang kamalay-malay na maagang papanaw ang 23-anyos na flight attendant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakatutok ang Pilipinas sa imbestigasyon sa pagpanaw ni Christine Angelica Dacera, isang 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines na natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City.

Masayang FB Live video ng flight attendant na umano’y pinatay, nag-viral
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nag-viral na sa social media ang masayang Facebook live video ni Dacera.

Mapapanood sa video na masayang nakikipag-bonding si Dacera sa kanyang mga mahal sa buhay.

Read also

Nanay ng flight attendant na umano’y ginahasa, emosyonal sa video interview

Walang kamalay-malay ang mga kasama niyang maagang mamamaalam si Dacera.

Narito ang viral video niya:

Si Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10:00 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan nya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Read also

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. Sinampahan na ng kaso ang sampung kasama ni Dacera sa hotel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma ang katawan ni Dacera, base sa initial investigation. Tinutukoy pa kung may drugs at alcohol na ininom si Dacera pero aneurysm daw ang secondary cause ng kanyang pagkamatay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay isang residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato. Isa rin siyang Philippine Airlines stewardess na pumanaw noong Enero 1.

Tangi sa pag-panaw ni Dacera, naging maingay din sa balita ang pagpanaw ng isang mag-ina sa Tarlac. Sila Sonia at Frank Gregorio ay binaril ng pulis na si Jonel Nuezca dahil sa away nila ukol sa firecracker na boga.

Read also

Pedicab driver na kasa-kasama pa ang anak na PWD, natulungan ng RTIA

Naging headline din kamakailan ang pagpatay ng pulis na si Cpl. Eframe Ramirez sa isang construction worker na pinagkamalan nilang holdaper. Ang biktima ay si Federico Pineda at nangyari ang insidente sa Brgy. San Matias, Pampanga.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel