Karen Davila, may matapang na reaksiyon sa mungkahing buwisan ang mga inuming kape
- Nagpahayag ng saloobin ang batikang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang X account kaugnay ng mungkahing patawan ng buwis ang mga inuming kape sa halip na dagdagan ang buwis sa alak
- Iginiit ni Karen Davila na ipinapataw ang Sin Tax sa mga produktong alak at sigarilyo dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng publiko at bilang bahagi ng revenue measure ng gobyerno
- Nag-ugat ang usapin sa naging pahayag ni Distilled Spirits Association of the Philippines President Olivia Limpe-Aw sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means kung saan binanggit niya ang pagtangkilik ng Gen Z sa kape
- Tinapos ni Karen Davila ang kanyang post sa pamamagitan ng paghahambing sa epekto ng dalawang inumin at sinabing nananahimik ang kape at mas mabuting gising kaysa lasing
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbahagi ng kanyang saloobin ang batikang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila kaugnay sa mainit na usapin tungkol sa mungkahi ng isang opisyal ng industriya ng alak na patawan ng buwis ang mga inuming kape.

Source: Facebook
Sa kanyang naging reaksiyon sa social media platform na X noong Huwebes, Nobyembre 27, 2026, idiniin ni Karen na ipinataw ang Sin Tax sa mga produktong alak at sigarilyo dahil nakasasama ang mga ito sa kalusugan ng mga tao.
"Buwisan nalang daw ang kape… huwag alak?" kuwestiyon niya sa kanyang post.
Dagdag pa ng mamamahayag, malinaw ang dahilan kung bakit sakop ng naturang pagbubuwis ang mga nabanggit na produkto.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Pinatawan po ng Sin Tax ang alak at sigarilyo dahil masama ito sa kalusugan bukod sa revenue measure ito ng gobyerno," aniya.
Tila patutsada pa ni Karen, nanahimik umano ang mga produkto ng kape at mas mabuti ang maging gising dahil dito kumpara sa malasing sa alak.
"Nananahimik ang kape. Mas mabuting gising kaysa lasing," pagtatapos pa niya sa kanyang mensahe.
Ang naging pahayag ni Karen ay kasunod ng naganap na pagdinig ng House Committee on Ways and Means noong Nobyembre 25, 2026. Sa nasabing pagdinig, mariing inihayag ni Distilled Spirits Association of the Philippines (DSAP) President Olivia Limpe-Aw na humanap na lamang ng iba pang mapagkukunan ng buwis ang pamahalaan, sa halip na dagdagan pa ang ipinapataw sa kanilang industriya.
Diin pa ni Limpe-Aw, sobra na umano ang buwis na binabayaran ng mga manufacturer ng alcoholic products. Ipinaliwanag niyang nagbabayad na rin sila ng advance tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bago pa man sila makagawa o makapagbenta ng kanilang mga produkto.
Bukod dito, binanggit din ng opisyal ng DSAP ang kapansin-pansing pagbabago sa consumer behavior sa bansa. Partikular niyang tinukoy ang mga kabataang kabilang sa Gen Z, na mas tumatangkilik na umano sa kape kaysa sa mga inuming nakalalasing.
Si Karen Davila ay isa sa mga pinakakilalang broadcast journalist, news anchor, at television host sa Pilipinas na may mahabang karanasan sa pagbabalita at pagtalakay sa mga isyung pambansa at panlipunan. Bukod sa kanyang pagiging anchor sa mga pangunahing programa sa telebisyon, aktibo rin siya sa kanyang mga social media account at YouTube channel kung saan nagbabahagi siya ng mga panayam, balita, at opinyon sa mga napapanahong usapin.
Bukod sa kanyang mga matatalas na komento sa mga isyung panlipunan at pambansa, madalas ding ibinabahagi ni Karen Davila ang kanyang mga personal na karanasan at pakikipagtagpo sa mga kilalang personalidad. Kamakailan lamang, naging laman ng balita sa KAMI.com.ph ang kanyang emosyonal na pagbabahagi tungkol sa isang espesyal na pagkikita nila ng Hollywood actress na si Angelina Jolie. Ikinuwento ng mamamahayag ang naging takbo ng kanilang pag-uusap at kung gaano naging makabuluhan ang pagkakataong iyon para sa kanya.
Samantala, isa pang kilalang personalidad sa larangan ng pagbabalita at pagho-host ang nagbahagi rin ng isang hindi malilimutang karanasan kamakailan. Sa isa pang ulat mula sa KAMI.com.ph, ikinuwento ni KaladKaren ang kanyang pagkagulat sa ginawa ng aktor na si Alden Richards habang sila ay magkasabay sa isang biyahe sa eroplano. Umani ito ng positibong reaksiyon mula sa mga netizen na humanga sa ipinakitang kabutihan ng aktor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


