Nanay ng flight attendant na umano’y ginahasa, emosyonal sa video interview
- Si Christine Angelica Dacera, isang 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines, ay natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City
- Nagpa-video interview na ukol sa trahedya ang ina ni Dacera na si Sharon Dacera
- Inilahad ng ina ni Dacera nag-video call pa sila ng kanyang anak para magbatian ng Happy New Year
- Dagdag pa nya, ang mga lalakeng kasama ni Dacera sa hotel room ay dapat daw mabulok sa kulungan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang pagpanaw ni Christine Angelica Dacera, isang 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines na natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City, ay nagbigay ng lungkot sa maraming Pilipino.
Nalaman ng KAMI na nagpa-video interview na ukol sa trahedya ang ina ni Dacera na si Sharon Dacera.
Ayon sa interview ng ina ni Dacera sa ABS-CBN program na TV Patrol, nag-video call pa sila ng kanyang anak para magbatian ng Happy New Year.
“Nung nag-sabi siyang namatay na, ‘Ha?’ Sabi ko, ‘Nag-usap pa kami kanina, 12:35 in the morning.’
“As a mother, sabihan ka na namatay na, anong nangyari sa anak ko?” kwento nya.
Sinabihan din niya ang mga lalakeng kasama ni Dacera sa hotel room na sumuko na at deserve daw ng mga ito na mabulok sa kulungan. Matindi ang hinagpis ng ina ni Dacera dahil binaboy daw at pinatay ng mga lalake ang kanilang anak.
“Kung anumang kababuyan ang ginawa nyo sa anak ko, hindi deserve ng anak ko…
“Mamatay kayo sa kulungan! Buhay yung hiniram nyo sa amin, buhay din ang kabayaran! Pagsisihan niyo yan,” sinabi ni Sharon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks
Si Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.
Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng bandang 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.
Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.
Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.
Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. Sinampahan na ng kaso ang sampung kasama ni Dacera sa hotel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bukod sa pagpanaw ni Dacera, naging maingay din sa balita ang pagkamatay ng isang mag-ina sa Tarlac. Sila Sonia at Frank Gregorio ay binaril ng pulis na si Jonel Nuezca dahil sa away nila ukol sa paputok na boga.
Naging headline din kamakailan ang pagpatay ng pulis na si Cpl. Eframe Ramirez sa isang construction worker na pinagkamalan nilang holdaper. Ang biktima ay si Federico Pineda at nangyari ang insidente sa Brgy. San Matias, Pampanga.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh