Anak, nakapiling at nakahawak-kamay ang inang may COVID-19 ilang oras bago ito pumanaw

Anak, nakapiling at nakahawak-kamay ang inang may COVID-19 ilang oras bago ito pumanaw

- Nag-viral ang larawan ng mag-inang nasa ICU na parehong nakipaglaban sa COVID-19

- Nakunan pa sila ng larawan na magkahawak-kamay at humuhugot ng suporta sa isa't isa ilang oras bago pumanaw ang ina

- Subalit dahil mayroon ding COVID-19 ang anak, hindi na nito naihatid sa huling hantungan ang ina ngunit nasaksihan naman ang buong kaganapan dahil sa live stream

- Pinaniniwalaang nakuha umano nila ang virus sa 12-anyos na apo na pumanaw na ng nagbalik eskwela noong Setyembre ng 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa larawan ng mag-inang sina Maria Rico at Anabel Sharma na parehong tinamaan ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng 49-anyos na anak na si Anabel ang huli na pala nilang larawan ng 76-anyos na ina.

Ayon sa panulat ni Amelia Ward ng LAD Bible, na-ospital ang mag-ina sa Leicester Royal Infirmary Oktubre ng 2020 dahil sa COVID-19.

Read also

Nag-viral na basahan vendor na hirap maglakad, may sari-sari store na mula sa RTIA

Anak, nakapiling at nahawakan ang inang may COVID-19 isang araw bago ito pumanaw
Ang mag-inang sina Maria at Anabel Photo from Anabel Sharma
Source: UGC

Pinaniniwalaan nilang nakuha umano nila ang virus sa 12-anyos na anak ni Anabel na bumalik sa paaralan sa pagbubukas ng klase nito noong Setyembre.

Base sa ulat ng Daily Mail, nabigyan ng pagkakataong magkatabi ang mag-ina matapos na masuri ng doktor si Maria at napag-alamang araw na lamang ang itatagal nito.

Wala pa ngang 24 oras mula nang magkahawak ng kamay at magkatabi ang mag-inang nakikipaglaban sa virus, pumanaw na si Maria.

Kwento pa ni Anabel, hindi umano sila nabigyan ng paunang lunas sa ospital dahil sa puno ito. Na-admit lamang sila nang nagkataong may apat na namatay nang araw ding iyon.

"We only got our beds because four patients died that day, freeing up spaces. The CPAP treatment for COVID is horrific and relentless, I had to wear a plastic hood 24/7 for four weeks that forced oxygen into my lungs," kwento mismo ni Anabel.

Read also

60-anyos na sumasayaw sa gitna ng kalsada, nasawi matapos mahagip ng motorsiklo

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa Metro UK, nagawan ng paraan na magkasama ang mag-ina dalawang linggo mula nang sila'y ma-admit sa ospital.

Kwento pa ni Anabel, ang larawang kuha sa kanilang magkahawak ng kamay ay ang unang beses na makita muli niya ang kanyang ina mula nang sila ay ma-ospital. Sa kasamaang palad, iyon na pala ang huling beses na makikita at mahahawakan ang ina sa ganoong klase pang pagkakataon.

Dala ng panghihina dahil pa rin sa virus, hindi na naihatid ni Anabel ang ina sa huling hantungan subalit nasaksihan naman niya ito sa live stream.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling pa rin si Anabel na aminadong hirap pa ring huminga at tila nakakaranas pa raw umano siya ng bangungot dala ng mga karanasan niya dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

Sa Pilipinas, kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila kung saan naroon ang may mataas na bilang pa rin ng COVID-19.

Binabantayan din umano sa bansa ang bagong strain ng naturang virus na pinaniniwalaang mula sa United Kingdom.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica