Pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, kumpirmadong galing sa United Kingdom

Pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, kumpirmadong galing sa United Kingdom

- Kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga taong galing sa United Kingdom

- Gayunpaman, hindi umano ito nangangahulugang ito ay kaso ng bagong uri o new strain ng COVID

- Ayon pa kay Duque, magsasagawa pa ng pagsusuri ang mga eksperto mula sa Philippine Genome Center

- Matatandaang kinumpirma ng ilang bansa ang kaso ng bagong strain ng COVID na unang natuklasan sa UK

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque na mula sa United Kingdom ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 kamakailan sa bansa.

Gayunpaman, nilinaw niyang hindi umano ito nangangahulung ito na ang kinatatakutang "new strain" ng COVID-19 na unang natuklasan sa UK.

Bunsod ng bagong strain na ito ng COVID ay marami sa mga bansa ang nagpatupad ng travel ban sa mga magmumula sa nasabing bansa.

Read also

Buknoy Glamurrr, may parinig din kasunod ng patutsada ni Awra Briguela

Pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, kumpirmadong galing sa United Kingdom
Coronavirus
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Duque, magsasagawa pa ng pagsusuri ang mga eksperto mula sa Philippine Genome Center upang makumpirma kung ito ba ay ang new strain ng COVID.

Pinaniniwalaang mas mabilis na kumalat at makahawa ang nasabing virus ngunit walang pag-aaral na nagsasabing mas mapanganib ito.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang naalarma sa inanunsiyo ni Duque kasunod ng paglabas ng balitang mayroon nang kaso nito sa mga kalapit na bansa.

This is a sad day for all of us as the government has decided not to do travel ban until the new strain reaches community transmission levels in the country where the traveler will come from.
There is a very high chance that the new strain of Coronavirus is in this traveler.
Repeating the same mistake they did a year ago. Since unknown ang kalaban isn't it necessary to take precautionary measures?

Read also

Awra Briguela, trending dahil sa kanyang "You’re not on my level" post

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa Central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sa kasalukuyan, naumpisahan na sa bansang United Kingdom ang pagbibigay ng vaccine laban sa COVID. kung saan isang 90-anyos na babae ang unang naturukan na nasabing vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Hot:
Online view pixel