Manananggal doll na gawa ng mga kapos-palad na ina, agaw-pansin

Manananggal doll na gawa ng mga kapos-palad na ina, agaw-pansin

- Nakakamangha ang ibinidang manananggal plush doll ng isang netizen

- Bukod sa Pinoy na Pinoy ito ay nakakatulong pa ito sa mga taong kapos-palad na nanay

- Ayon sa manufacturer, isa lang ito sa 12 plush dolls na hango sa mga folk stories mula sa Luzon, Visayas at Mindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ng mga netizen na sila Marco Lopez and Ed Geronia ang nakakamanghang manananggal plush doll na mabilis na nag-viral sa social media.

Ayon kay Lopez sa isang report ng GMA News, naispatan niya ang manika sa isang trade fair na inorganisa ng DTI kung saan itinampok ang mga produkto mula sa anim na probinsiya ng Bikol.

"What caught my attention were the fangs," anito. "It was a bit pricey but it was also big — about 12 inches long — and I knew it was well-made. It was a Karaw product."

Ayon kay Lopez, nagkakahalaga ito ng P500.

Sabi ng manufacturer nito na Karaw Craftventures, isa lamang ang manananggal plush doll na ito sa 12 disenyong hango mula sa mga "Filipino folklore" sa Luzon, Visayas at Mindanao.

"We started the initiative because of the idea na we want to promote the Filipino culture and that's by introducing characters from the Filipino folklore into different merchandise," sabi ni Paolo Orpiada, founder ng Karaw.

Bukod sa Pinoy na Pinoy na dating ng manikang ito, nakakatulong pa ito sa mga kapos-palad na mga nanay na siyang gumagawa nito.

Ayon kay Orpiada, tinuturuan nila ang mga nanay mula sa mga barangay sa Naga at ilang parte ng Camarines Sur ng tungkol sa doll-making, na ibinebenta naman ng Karaw para sa mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel