Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

- Muling nakapanayam ni Raffy Tulfo ang naulilang pamilya ng mag-inang Gregorio na walang-awang pinaslang ng pulis na si Jonel Nuezca

- Sa pagkakataong ito, ang mister ni Sonya Gregorio at misis ni Frank Gregorio ang nakausap ni Tulfo

- Nagbigay ng pribadong abogado si Tulfo sa pamilya Gregorio na siyang tututok sa kaso

- Handa rin daw itong magbigay ng anumang naising pagkabuhayan para sa naulilang pamilya ng mag-inang napaslang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumusta ni Raffy Tulfo ang kalagayan ng pamilya Gregorio sa unang araw ng lamay ng mag-inang Sonya at Frank na napaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa viral video.

Nalaman ng KAMI na ipinadala ni Tulfo ang staff niyang si Mau Peralta upang personal na makita ang kalagayan sa burol ng mag-ina.

Nakapanayam din ni Tulfo ang mister ni Sonya na si Florentino Gregorio. Naikwento nito ang dati nang mga hindi magandang nagagawa ni Nuezca sa kanyang mag-ina.

Read also

Anak na itinanggi ng ama sa loob ng 20 taon, masayang kinilala na siya ngayon

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio
Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Isang pagkakataon nga na sumugod umano ang pulis ay naroon siya kaya hindi nito nagawa ang anumang hindi magandang binabalak sa kanyang pamilya.

Bihirang umuwi noon si Florentino na isang driver ngunit ngayon, tila mapipirmi muna siya sa bahay upang mapangalagaan ang kanyang pamilya na labis daw na na-trauma sa nangyaring insidente.

Naroon na rin sa burol ang kinakasama ni Frank na si Ronalyn. Napag-alaman ni Tulfo na mayroon na palang isang taong gulang na anak sina Frank at Ronalyn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa maaga siyang na-biyuda, mayroon din siyang sakit sa puso. Nangako ring tutulong si Tulfo kay Ronalyn at sa anak nila ni Frank maging sa pagpapagamot nito sa kanyang karamdaman.

Nakausap na rin ng pamilya Gregorio ang ibinigay ni Tulfo na private lawyer na siyang tututok sa kaso ng mag-ina.

Read also

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

Matapos daw ang libing, saka naman iintindihin ng naulilang pamilya ang alok ni Tulfo na pangkabuhayan. Sa ngayon kasi ay labis pa silang nagdadalamhati sa sinapit ng dalawang mahal nila sa buhay.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Tulfo sa pamilya Gregorio sa Wanted sa Radyo:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Matapos na kumalat sa social media ang video ng pamamaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio, isa si Tulfo sa agad na nagbigay pansin at aksyon sa karumal-dumal na pangyayari.

Read also

Kaanak ng mag-inang Gregorio, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang kwento sa likod ng alitan

Agad itong nakipag-ugnayan sa naulilang pamilya ng mag-inang Gregorio upang alamin ang kanilang kalagayan at nangakong tututok sa kaso upang makatulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel