Raffy Tulfo, nagbigay ng update sa kaso laban kay Jonel Nuezca
- Kinumusta ni Raffy Tulfo ang pamilya Gregorio at ang pag-usad ng kasong isinampa nila laban sa pulis na si Jonel NUezca
- Ginanap na kasi ang unang hearing sa kasong ito ngunit hindi nakasipot si Nuezca na kasalukuyang nasa quarantine
- Sa Pebrero 4 na umano ang susunod na hearing at inaasahang makakadalo na ito
- Siniguro rin ng pamilya Gregorio na tetestigo na ang mismong kumuha ng video, taliwas sa mga nababalitang umaatras na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagbigay ng update si Raffy Tulfo ukol sa pag-usad ng kasong isinampa sa pulis na si Jonel Nuezca, ang suspek sa pamamaslang sa kanyang mga kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Nalaman ng KAMI na nagpadala umano si Tulfo ng kanyang staff upang aktwal na masaksihan ang unang hearing sa kasong isinampa ng pamilya Gregorio laban kay Nuezca.
Nakapanayam din ni Tulfo ang inirekomenda niyang abogado sa pamilya Gregorio na siya na ngayong humahawak sa kaso na si Atty. Freddie Villamor.
Ayon sa abogado, habang sila ay nasa korte gayundin ang ilang kaanak ng Gregorio at mga saksi, hindi naman nakadalo ang akusado dahil kasalukuyan pa itong naka-quarantine.
Naisagawa ang hearing sa pamamagitan ng video call at doon na rin binasahan ng demanda sa kanya na 2 counts ng murder. Nag-plea pa umano ito ng 'not gulity.'
Sa Pebrero 4 ang susunod na hearing at inaasahang makakadalo na ito sa mismong korte.
Doon na rin ihaharap ng abogado ang primary complainant na si Florentino Gregorio, ang asawa ni Sonia at ama naman ni Frank. Ihahain na rin nila sa araw na iyon ang mga ebidensya nilang susuporta sa kaso.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Pagbibigay linaw naman ng isa sa mga anak ni Sonia na si Mark Christian Greogorio, buo na ang desisyon ng kumuha ng video gayundin ng mga magulang nito na tumestigo upang mabigyang tibay ito laban sa akusado.
Nagpasalamat din ang pamilya ni Gregorio sa kanilang Idol Raffy na napakalaki umano ng tulong na naibigay sa kanila lalo na sa pagkamit ng hustisya para sa karumal-dumal na pagkamatay nina Sonia at Frank.
Narito ang kabuuan ng mga panayam sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Enero 7.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Isa siya sa mga tumututok sa kaso ni Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ang pamilya Gregorio ang hustisya.
Disyembre 20 nang maganap ang walang-awang pamamaril ni Nuezca sa mag-inang kapitbahay niya na sina Sonia at Frank Gregorio.
Napasugod umano si Nuezca sa mga Gregorio dahil sa pagpapaputok umano ni Frank ng boga. Pilit na kinukuha ni Nuezca na noo'y yakap na ng ina na si Sonia.
Nang lalong uminit ang tensyon, doon naikalabit ng pulis ang baril sa mag-ina. Agad naman itong sumuko ilang oras matapos niyang magawa ang krimen nasapul sa video.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh