Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako, dinagsa ng tulong

Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako, dinagsa ng tulong

- Marami ang naantig sa larawan ng isang taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang siya ay naglalako

- Mabilis na nag-viral ang larawan na ibinahagi ng nagmalasakit na netizen upang makahingi ng tulong para sa mag-ama

- Nakarating na rin ito sa programa ni Raffy Tulfo na magbibigay sa kanya ng food cart business ang iba pang tulong para sa kanilang mag-ama

- Maging ang mga netizens ay nagpaabot din ng tulong sa taho vendor at sa anak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako, dinagsa ng tulong

Taho vendor (Photo from Jam Perry Branch Facebook)
Source: Facebook

Dinagsa ng tulong ang taho vendor na si Richard Paclibare matapos na mag-viral ang larawan nila ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na maraming naantig ang puso sa kalagayan ng mag-ama dahil pasan ni Richard ang anak habang siya ay naglalako ng taho.

Nakita umano ito ng netizen na si Jam Perry Branch na siya namang nagbahagi ng larawan ng mag-ama sa social media upang maihingi ito ng tulong.

Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

Labis daw umanong nahabag si Jam sa sitwasyon ng taho vendor at anak nito at hindi biro ang hirap na kinahaharap nila araw-araw.

Nakarating na rin ito sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo.'

Nang malaman ni Tulfo ang kalagayan ng mag-ama naawa at humanga rin siya sa kabilang banda sa ipinakikitang katatagan ni Richard.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mas lalo pang natunaw ang puso ni Tulfo nang malamang iniwan pala si Richard ng kanyang misis pagka-panganak sa ngayo'y isang taong gulang nilang anak.

Dahil dito, walang ibang aasahan si Richard na mag-alaga sa anak kaya naman kasa-kasama na niya ito sa araw-araw niyang paglalako.

Minabuti ni Tulfo na bigyan ng food cart business si Richard nang sa gayon ay hindi na ito mahirapan sa pagbubuhat ng malalaking lata ng taho.

Bukod dito, bibigyan pa niya ito ng mga grocery items at tulong pinansyal para maibsan ang hirap na dinaranas nito.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Sa ganitong paraan, mas maayos niyang mababantayan ang anak na malamang ay nahihirapan din sa posisyon nito sa pagpasan ng ama.

Bago pa man makarating sa programa ni Tulfo ang kalagayan ni Richard, sinabi ni Jam na mayroong mga netizens na nagpaabot na ng tulong sa mag-ama kaya nagpasalamat siya sa mga ito.

Sinabi rin niyang nakarating na ang mga tulong ng netizens sa mag-ama.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Raffy Tulfo sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Subalit mas lalo siyang nakilala dahil sa kanyang programang 'Raffy Tulfo in Action' kung saan agaran niyang nabibigyan ng aksyon ang mga sumbong sa kanya ng mga dumudulog sa kanyang programa.

Mayroon na siyang mahigit 15 million subscribers sa YouTube kaya naman hindi maipagkakailang malaking pera na rin ang kanyang kinikita rito na siyang ginagamit niya sa pamamahagi ng tulong sa mga tulad ng taho vendor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel