Raffy Tulfo, umatras na sa pagtulong sa live-in partner ni Tekla; mga tests, di na rin itutuloy

Raffy Tulfo, umatras na sa pagtulong sa live-in partner ni Tekla; mga tests, di na rin itutuloy

- Sa loob lamang ng isang araw, nagbago na agad ang desisyon ni Michelle Lhor Bana-ag at ayaw na umano nitong magpa-drug test at lie detector test

- Dahil dito, napagtanto ni Raffy Tulfo na tila mayroon ngang itinatago ang live-in partner ni Tekla

- Pinaliwanag ni Michelle na ang tiya niya ang siyang ayaw na ituloy ang mga test ngunit hindi na rin niya nakumbinsi pa si Tulfo

- Maging ang ibang tulong sana ni Tulfo sa pamilya ni Michelle ay di na rin niya itutuloy at magpapadala na lamang sila ng DSWD na siyang titingin sa kalagayan ng mga pamangkin ni Michelle kung nararapat pa nga ba itong malagak sa poder ng dating ka-live in ni Tekla

Raffy Tulfo, umatras na sa pagtulong sa live-in partner ni Tekla; Mga tests, di na rin itutuloy

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Mabilis ngunit malinaw ang naging usapan nina Raffy Tulfo at Michelle Lhor Bana-ag sa pinakahuling panayam nila sa "Wanted sa Radyo".

Nalaman ng KAMI na umpisa pa lamang ng programa ay isinalang na agad ang dating live-in partner ng komedyanteng si Super Tekla.

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

Ito ay dahil sa umaatras na raw ito sa pagpapatuloy niya sana ng drug test at lie detector test.

Kahapon lamang, Oktubre 26, ay malakas pa ang loob ni Michelle na ipatuloy pa rin ang mga nasabing test para lamang patunayan umano sa kanyang mga bashers na nagsasabi siya ng katotohanan.

Ngunit ilang oras matapos ang panayam na iyon on-air, nakatanggap ng test ang staff ni Raffy Tulfo mula kay Michelle at sinasabing umaatras na ito sa mga isasagawang test.

Ang dahilan, natatakot daw umano itong ma-binat lalo na at hair follicle test ang isasagawa sa kanya upang malaman kung gumagamit pa ito ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ay sabi raw ng tiya ni Michelle kaya nagbago raw umano ang kanyang isip tungkol sa mga isasagawa sa kanya.

Makailang beses daw na sinubukang kumbinsihin ng staff ni Tulfo si Michelle ngunit umayaw na raw talaga ito.

Nang mismong si Tulfo na ang kanyang nakausap kung saan siya ay nasabihan na nito ng ilang mabibigat na salita, muli itong pumayag.

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

sa kasamaang palad, si Tulfo na ang umayaw sa pagtulong kay Michelle. Napagtanto umano nito na tila may tinatago ang dating live-in partner ni Tekla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Umatras na rin si Tulfo sa mga tulong na ibibigay niya sana sa pamilya ni Michelle lalo na at sa pantaha nila'y gumagamit pa umano ito ng iligal na droga.

"Meron ka talagang itinatago, you're lying!" ang isa lamang sa mga mabibigat na pahayag ni Tulfo kay Michelle na noo'y walang tigil na sa pag-iyak.

Ang tanging magagawa lamang umano ng programa ni Tulfo ay ang ipa-DSWD ang mga pamangkin ni Michelle upang malaman kung nararapat pa nga ba na malagak sa pudar nito ang mga bata.

Maging ang anak nina Tekla at Michelle ay di na rin matutulungan pa ni Tulfo at sinabi nitong hindi naman pababayaan ng komedyante ang kanyang supling.

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

Iyon na raw ang huling panayam na gagawin nila kay Michelle.

Narito ang kabuuan ng video sa umpisa pa lamang ng programang 'Wanted sa Radyo'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang batikang broadcast journalist sa bansa. Mas lalo siyang nakilala dahil sa programa niyang 'Raffy Tulfo in Action' kung saan marami siyang natutulungan.

Agad din niya kasing naaksyunan ang mga sumbong ng kababayan nating naagrabyado, ordinaryong mamamayan man o kilalang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel