Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

- Na-scam ang nasa sampung delivery riders sa Las Piñas na sabay-sabay halos na dumating sa iisang address

- Nagulat ang housewife na nadatnan ng mga riders na hinahanap ang umorder di umano na si "Marl Dela Cruz"

- Nakunan niya ng video ang pagdating ng mga riders na nanlulumo sa pambibiktima ng di pa nakikilang customer

- Hangad nilang maaksyunan ang insidenteng ito na makailang beses nang nangyayari kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas
Photo: Lydia Sulit Pavia's Facebook
Source: Facebook

Nakunan ng video ang halos sabay-sabay na pagdating ng mga food delivery riders sa isang bahay sa Las Piñas na sa kasamaang palad ay hindi pala address ng nagpakilalang customer na si "Marl Dela Cruz."

Nalaman ng KAMI na tinatayang nasa mahigit sampung riders ang sumambulat sa bahay ni Lydia Sulit Pavia, katanghalian ng Oktubre 19.

Awang-awa umano ang housewife sa mga riders na nagsidatingan sa kanyang tahanan dahil nabiktima umano ang mga ito ng fake order.

Read also

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

Sa Facebook live na binahagi ni Pavia, maririnig na bukod sa mga riders na nakarating na sa kanilang address, mayroon pang mga kumukuha ng order sa restaurant at paparating pa lamang.

Tinatayang nasa P800 hanggang P1900 ang halaga ng bawat order ng fake customer.

Napakalaking kawalan na nito sa kanilang kita sa araw na iyon.

Nabanggit din nilang may group chat silang mga riders kaya alam nila na may mga paparating pa dahil sa update ng kanilang GC.

Kapansin-pansin ang matinding panlulumo ng mga riders na na-scam ng walang pusong nagpanggap na customer.

"Kawawa naman sila o, marami pa sila, niloko yun mga naghahanapbuhay ng maayos," bulalas ng may bahay sa kanilang Facebook live na awang-awa sa mga riders.

Narito ang video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandang hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima ang ilang mga delivery riders sa scam na ginagawa ng mga kababayan nating tila walang magawa sa buhay.

Read also

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Nito lamang Setyembre, isang address din ang nabulabog sa order di umano ng isang "AJ Pande”.

Wala rin ang naturang customer sa address na dinagsa ng halos sampung food delivery riders.

Ang kapansin-pansin pa rito, pawang mga riders ng delivery app na Food Panda ang nabibiktima.

Hangad ng marami na mabigyan ng leksyon ang gumagawa ng mga kalokohang ito na nakaaapekto sa mga taong marangal at maayos na nagtatrabaho lalo na ngayong panahon na dumaraan sa matinding krisis ang bansa maging ang mundo dahil sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica