Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

- Isang pamilya sa Aklan ang natulungan ng mga netizens dahil sa isang vlogger

- Halos dumapa na sa lupa ang kanilang tahanan ngunit dala ng kawalan ng pera, di nila mapaayos

- Sa tulong ng mga netizens na nakapanood ng vlog, nabigyan ng tulong ang pamilya upang maipaayos nila ang bahay

- Nabigyan din sila ng ilang mga kagamitan sa bahay, mga grocery items at tulong pinansyal para maipampagamot ng inang labis ang kapayatan at hinihinalang may karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pamilyang nakatira sa wasak na bahay, natulungan ng mga netizens dahil sa isang vlogger

Photo from Archie Hilario/ Pobreng Vlogger Facebook
Source: Facebook

Isa na namang mag-anak sa Aklan ang nabigyang tulong ni Archie Hilario o mas kilala bilang si 'Pobreng vlogger.'

Mayroong nagparating sa vlogger tungkol sa kalagayan ng pamilyang nakatira sa bahay na halos nakadapa na sa lupa sa tindi ng sira.

Kwento ng ginang, biyuda na umano siya at mag-isa niyang itinataguyod ang tatlong mga anak.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Nalaman ng KAMI na dahil sa pandemya, mas lalong naghirap ang mag-anak dahil na rin sa tumal ng kita ng ina sa pagsasaka.

Halos wala na talaga silang makain, kaya naman bukod sa bahay nilang wasak-wasak na, pinoproblema na ng ina ang kakainin nila sa araw-araw.

Sa tindi ng kahirapan, hindi nakapag-aral ang isa niyang anak sapagkat wala umano siyang pera upang makuha ang mga module nito.

Hindi rin umano siya makatulog kapag umuulan sa takot na baka tuluyang gumuho ang kanilang bahay.

Kaya naman nang iabot na sa kanila ang tulong ni Pobreng vlogger ay halos maluha-luha ang ginang gayundin ang bunsong anak nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa wakas daw kasi ay mapapaayos na nila ang kanilang tahanan.

Agad nilang ipinampaayos ng bahay ang perang natanggap. Malayo na ang itsura nito sa dati nilang bahay kung saan hindi na talaga ito ligtas na tirhan.

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

Matapos na maipagawa ang bagong bahay, dinagsa pa rin ng tulong ang mag-iina.

May mga nagpaabot naman sa kanila ng ilang gamit sa bahay, mga grocery items, bigas at tulong pinansyal upang maipatingin ng ginang ang kalagayan niya dahil sobra ang kapayatan nito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Archie Hilario:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Archie Hilario ay isang vlogger sa Aklan na kilala sa pagtulong niya sa mga kababayan niyang naghihikahos sa buhay.

Matatandaang isang mag-asawang matanda na nakatira sa wasak na bahay ang kanyang natulungang mapagawan ng maayos na tirahan.

Kamakailan, isang batang nagtitinda ng mais ang kanya lamang nadaanan ang naisipang natulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel