Magulang, nagbabala tungkol sa mga 'kawatan' na nagpapanggap na kalaro ng mga bata online
- Isang magulang ang nagbigay umano ng babala patungkol sa mga modus ng mga kawatan online kung saan nagpapanggap ang mga ito na kalaro ng mga bata sa online games
- Habang nakikipaglaro, nakikipag-chat ang mga masasamang loob sa mga bata at magtatanong mga personal na impormasyon
- Ilan sa mga tinatanong ay ang trabaho ng magulang ng bata at kung saan ito nakatira
- Nang marinig ito ng ama ng batang naglalaro, labis na itong nabahala at mabuti nalamang na katabi niya ang anak at nakikinig ang mga sinasabi nito habang naglalaro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagbabala ang isang magulang ng grade 5 student ng isa sa mga prestihiyosong paaralan sa bansa tungkol sa di umano'y modus ngayong ng mga kawatan.
Nalaman ng KAMI na dahil sa karamihan na sa mga ngayon ay naka-online at isa ang online games sa kanilang pinagkakalibangan, sila umano ang mga target ng mga masasamang loob.
Sa mensaheng ibinahagi ng netizen na si Jay Valle, makikita ang buong detalye ng pangunguha ng importanteng impormasyon sa mga batang naglalaro ng online games.
Ayon sa magulang, naglalaro lamang ng 'Minecraft' ang kanyang anak at naririnig daw niya itong nakikipagchat.
Sa umpisa pa lang, tila duda na ang ama dahil sa boses nasa "30 anyos" na ang kausap ng anak. Lalo na nang magsalita na ito ng Tagalog, mas lalo na raw itong naghinala.
At hindi nga nagtagal, nagtanong na ng mga personal na impormasyon ang "kalaro" ng bata tulad ng Facebook account nito, saan daw ito nakatira at maging ang trabaho ng mga magulang ng bata.
Ang mas lalong nakakabahala pa rito ay nang tinanong ng 'kalaro' kung sino madalas ang nasa bahay ng bata. Pupunta raw ito kung walang tao sa bahay ng bata at doon daw sila maglalaro.
Doon na inagaw ng ama ang gamit na iPad ng anak at tinanong ang kalaro ng "Ilang taon ka na?"
Doon niya narinig ang kasama ng lalaki na nagsabi ng "ala na yan, hanap ka na ng iba" at agad daw itong na-disconnect sa laro.
Malaking bagay na naroon sa tabi ng bata ang kanyang ama nang mangyari ito at napigilan niya ang posibleng hindi magandang mangyari sa kanilang tahanan.
Maging aral daw ito sa mga magulang at bata na huwag bastang magtitiwala kanino man. Tulad ng sitwasyon na ito, isang bata ang muntik nang mabiktima kung walang patnubay ng kanyang magulang.
Narito ang kabuuan ng post:
Ilang buwan lamang ang nakalilipas nang mag-viral din ang post tungkol sa isang binatilyong nasawi sa labis na pagpupuyat sa paglalaro ng online games.
Hindi nalalayo rito ang nangyari sa isa ring binata na inatake naman sa puso habang naglalaro rin umano ng online games sa isang computer shop .
Ilan lamang ito sa mga hindi magagandang sinapit ng kabataan sa labis na paglalaro ng gadgets. Maging babala ito sa mga magulang at nakakatanda upang magabayan ng maayos ang mag anak at maiwasan ang anumang di magandang maaring mangyari sa kanila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh