Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

- Isang vlogger ang nahingan ng tulong ng dalawang pares ng mag-asawa na naglalakad lamang at gamit ang kariton

- Mula pa sa Bulacan ang mga ito at nang usisain ay patungo pa raw sila ng La Union

- Dala ng krisis ng COVID-19, naapektuhan ang pamumuhay ng mga mag-asawa sa Bulacan kaya minabuti nilang umuwi na sa La Union upang makapiling na rin nila ang kanilang mga pamilya

- Tatlong linggo na silang naglalakbay nang makita ng vlogger at naabutan sila nito ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan
Photo supplied by Buksi TV vlogs
Source: UGC

Nadurog ang puso ng vlogger na si "Buksi TV Vlog" nang makita niya ang dalawang pares ng mag-asawa na naglalakbay gamit ang kanilang mga kariton.

Nalaman ng KAMI na sa kanilang paglalakad, namamalimos na rin sila sa mga dumadaan at isa sa mga nahingan nila ng tulong ay ang vlogger na di naman nagdalawang isip na sila ay tulungan.

Read also

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Nalaman nito na mula pa sa Bulacan ang mag-asawa at patungo pa raw sila La Union upang makapiling na nila ang kanilang pamilya.

Dahil kasi sa krisis na dala ng COVID-19, naapektuhan ang kanilang pamumuhay sa Bulacan kaya naman minarapat nilang umuwi sa La Union upang doon na magsaka at makakasama pa nila ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng kwento ng "Buksi TV Vlog" na binahagi sa KAMI:

"Nakita ko dalawang mag-anak sa daan, naglalakad habang tinutulak nila ang kanilang kariton at namamalimos sa mga dumadaan.
Galing sila sa Bulacan umalis sa kanilang lugar upang makipagsapalaran sa La Union at upang makahanap ng trabaho at makita na rin ang kanilang pamilya.
Dala ng kahirapan ng buhay lalong pinahirap ng dala ng pandemya o Covid-19 kahit na sobra ng hirap ng buhay nila, makikita sa kanilang mukha ang pag-asa at ipagpatuloy ang laban ng buhay.

Read also

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

At lagi silang nagdadasal sa Diyos kahit makaraos lang sa pang araw araw nilang pagkain at hindi magsakit.
Simple lang pamumuhay nila at kasama nila sa paglalakbay ang kanilang mga alagang aso at pusa. Napapawi pagod at lungkot sa kanilang pamilya pag nakikita nila alaga nila.
Kahit sobrang layo at hirap ang kanilang pinagdadaanan, patuloy parin sila sa paglalakad maka uwi lang sa La Union upang makasama ng kanilang mga mahal sa buhay.
Dalangin ko sa Paginoong Diyos sana gabayan sila maka uwi ng maayos at ligtas at makasama nila kanila pamilya at maka pagsimula ng bagong buhay."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang ang kwentong ito na nagpapatunay na sa kabila ng kabi-kabilang suliranin dala ng COVID-19, namumutawi naman sa atin ang pagtutulungan.

Tulad na lamang din ng ilang construction workers na naisipang maglakad pauwi ng Pangasinan dahil sa nawalan na sila ng trabaho sa Maynila.

Read also

Magulang, nagbabala tungkol sa mga 'kawatan' na nagpapanggap na kalaro ng mga bata online

Nang makarating sa Bulacan, mayroong pulis na nagpasakay sa kanila patungong Nueva Ecija at mula roon ay nasundo na sila ng kapitan ng kanilang barangay kaya naman nakauwi na sila ng maayos.

Isa na rin dito ang binatilyong matiyagang nagbisikleta mula Parañaque pauwi sa Samar. Wala na raw umanong pamasahe ang binatilyo kaya naman sinikap niyang magpedal makauwi lamang sa kanyang pamilya sa probinsya. Nang makarating sa kanilang provincial border, nasundo na ito ng sasakyan at maayos ding nakarating sa kanilang tahanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: