Mga ipis, unti-unti nang 'di tinatablan ng insecticide ayon sa pag-aaral
- Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Estados Unidos, unti-unti nang nagiging immune ang mga ipis sa insecticide
- Base ito sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto sa Indiana at Illinois
- Dahil dito, nagbabala ang mga ito na sa nararapat na gawin ng mga tao upang hindi tuluyang dumami pa ang mga ipis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Base sa isinagawang pag-aaral sa ilang gusali sa Indiana at Illinois, nakitang ang resistance ng mga ipis sa insecticide ay tumaas pa ng apat hanggang anim na beses!
Ilang test ang sinubukan kung saan gumamit ang mga eksperto ng mga insecticide. Sa unang test ay gumamit ng tatlong klase ng insecticide nang tatlong buwan at inulit.
Sumunod naman ay gumamit ng dalawang magkahalong insecticide sa anim na buwan.
Sa huli ay gumamit ng isang insecticide na mababa ang resistance ng mga ipis.
Ayon kay Michael Scharf, propesor ng Department of Entomology ng Purdue University sa Estados Unidos, na siyang nanguna sa pag-aaral, habang nagpapalit ng tatlong klase ng insecticide sa anim na buwan, hindi nga dumami ang mga ipis ngunit hindi rin naman daw ito nabawasan.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Samantala sa test naman gumamit ng dalawang magkahalong insecticide, hindi rin namatay ang mga ipis. At sa test naman na paggamit ng isa lamang na insecticide, mas dumami pa ang mga ipis.
Sabi Scharf lumalabas na nagkakaroon ng "cross-resistance" ang mga ipis na naiiwang buhay sa paggamit ng insecticide, base naman sa ulat ng ABS-CBN News.
"Cockroaches developing resistance to multiple classes of insecticides at once will make controlling these pests almost impossible with chemicals alone," anito.
Lumabas rin mula sa mga test na namamana ang immunity na ito ng mga nagiging anak ng mga babaeng ipis.
"A certain percentage of cockroaches would be resistant to a particular class of pesticide. Those that survived a treatment and their offspring would be essentially immune to that insecticide going forward," paliwanag pa ni Scharf.
Nagbigay naman ito ng babala at sinabing sabayan ang paggamit ng pesticide ng ilang kagamitan gaya ng trap at vacuum.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI
Source: KAMI.com.gh