Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

- Umamin ang inireklamong kabit sa programa ni Raffy Tulfo at handa na sana niyang pagbayaran ang nagawa niyang kasalanan

- Humingi na rin umano siya ng tawag sa misis na patuloy pa rin daw siya umanong ginugulo kahit hiwalay na sila ng mister nito

- Tinupad lang daw ni misis ang matagal nang hamon sa kanya ng kabit na ipa-Tulfo ang mga ito

- Nang i-konsulta na sa abogado ang maaring ikaso sa kabit, lumabas na ang maari lamang makasuhan at makulong ay ang naglokong mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Richelle Tan (Photo from Wanted sa Radyo)
Source: Facebook

Naging mainit ang diskusyon ng misis na si Richelle Tan at ang kabit ng kanyang mister na si Honeylet Ermitanio nang magkaharap ito sa 'Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo.'

Nalaman ng KAMI na humingi na ng saklolo si Richelle sa programa ni Tulfo upang mabigyan ng leksyon ang mister na si James Tan na nagawa umano siyang lokohin lalo na at siya ay nasa ibang bansa.

Legit, bistado at nakunan pa ng video si mister at kabit na magkasama

Nang humarap ang sinasabi nitong kabit na si Honeylet, inamin nito ang nagawang kasalanan subalit nilinaw na wala na umano silang ugnayan ni James lalo na ay OFW na rin siya sa ibang bansa.

Itinanggi naman ito ng misis na tila pinalalabas na tuloy ang relasyon ng dalawa na pinabulaanan na rin ng kanya mismong mister.

Ayon a kay Honeylet, naihingi na niya ng tawad kay Richelle ang mga pagkakasala subalit hindi pa rin daw umano ito tumigil sa mga patutsada nito sa social media.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman para raw matahimik na ang kani-kanilang buhay, tatanggapin na lamang daw ni Honeylet ang kapalaran niya kung siya ay makukulong dahil sa pakikiapid.

Subalit nang nilinaw ni Tulfo kay Atty. Garreth Tungol ang maaring ikaso sa mister at sa kabit, lumalabas na hindi maaring makulong si Honeylet sa kasong concubinage.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Ang tatanggap lang umano ng kaparusahan ay ang lalaki habang ang kabit at pagbabawalan lamang na manirahan malapit sa kinaroroonan ng mister.

Subalit kung dumating ang punto na sumuway ito at patuloy pa rin silang magkita, hindi na sila palalampasin pa ng batas.

Bilang nasa malayo na ngayon ang kabit sa mister ni Richelle, mas lalong tumibay ang punto kung saan hindi nga ito makukulong.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Raffy Tulfo sa pagiging isang batikang news anchor sa bansa. Bukod dito, gaya nang pagtulong niya kina Richelle at Honeylet, takbuhan din siya ng mga naaaping Pilipino lalo na at mabilis niyang naaksyunan ang mga sumbong nito.

Mapa-ordinaryong mamamayan at kilalang personalidad ay natutulungan niya kaya naman sa ngayon, mayroon na siyang 16 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel