Super Tekla, pinasalamatan ang unang naka-relasyon na nagawa siyang ipagtanggol

Super Tekla, pinasalamatan ang unang naka-relasyon na nagawa siyang ipagtanggol

- Nagpasalamat si Tekla sa kanyang unang naka-relasyon dahil umano sa paglalabas nito ng pahayag patungkol sa kanyang pagkatao

- Sinabi rin niyang ito ang mas nakakakilala sa kanya dahil halos siyam na taon silang nagsama

- Ito rin kasi ang ina ng kanyang unang anak at napanatili nilang maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't isa kahit sila'y hiwalay na

- Maging ang anak ni Tekla na si Aira, ay nagagawa umano siyang ipagtanggol sa mga naging bashers nito noong kainitan pa ng issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super Tekla, pinasalamatan ang unang naka-relasyon na nagawa siyang ipagtanggol

Photo from Super Teklah Librada Facebook
Source: Facebook

Sa part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Super Tekla sa mismong condo unit nito, nailahad ng komedyante ang pasasalamat niya sa kanyang unang live-in partner.

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy ni Tekla ay si Airyn Gonzales, ang ina ng kanyang unang anak na si Aira.

Bulag na sinaktan at pinagtangkang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Nabanggit ni Tekla na labis siyang nagpapasalamat sa paglalabas ng pahayag ng kanyang unang live-in partner sa programa ni Raffy Tulfo para lamang sabihing hindi magagawa ni Tekla ang mga paratang ng nagreklamo niyang kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag.

Ayon kay Airyn, sa loob ng halos isang dekada nilang pagsasama ng komedyante, ni minsan ay hindi niya naranasan ang mga sinasabing ginagawa nito kay Bana-ag.

Dahil doon, gumaan ang kalooban ni Tekla na isang pagpapatunay na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya.

Nasabi rin niyang kung mayroong isang tao na lubos ding nakakakilala sa kanya, ito ay ang kanyang unang kinasama na si Airyn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kung may mas makakakilala sa akin ng lubos para patunayan na di ko magagawa yung mga ganung akusasyon which is yung ex-gf ko or yung ex-ka-live in partner ko, almost magna-nine years kami," taos pusong ipinahayag ni Tekla.

Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers

Kaya naman ganoon na lamang ang pagpapasalamat niya pagtatanggol nito sa kanya lalo na sa panahong labis siyang sinusubok.

"Thank you rin kay Airyn kasi di niya siguro ma-take na nandito ako sa sitwasyong ganun para maibsan yung nararamdaman ko," dagdag pa niya.

Si Airyn ang ina ng 12-anyos na anak ni Tekla na si Aira. Nabanggit din nito na isa ang kanyang anak sa mga nagtatanggol sa kanya maging sa mga bashers na tinutuligsa noon ang pagkatao ni Tekla.

Ilan lamang daw iyon sa mga pinagkunan niya ng lakas upang malagpasan ang matinding dagok na dumaan sa kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla o si Romeo Librada sa totoong buhay ay isang komedyante ng GMA. Nakilala siya bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin kung saan nakasama rin niya si Donita Nose. Sa ngayon mayroon na silang sariling YouTube channel na "Donekla in Tandem."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel