Colon cancer: mga sanhi, sintomas at diagnosis

Colon cancer: mga sanhi, sintomas at diagnosis

-Isa ang colon cancer sa pinaka-nakamamatay na cancer sa buong mundo

-Sa Pilipinas, ang colon ang isa sa pinaka-madalas tamaan ng cancer ayon sa DOH

-Dapat lamang na alamin ng bawat isa sa atin ang mga sanhi, sintomas at diagnosis ng sakit na ito lalo pa at pagkain ang isang dahilan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa programang Salamat Dok, tinalakay ang colon cancer. Mga sanhi, sintomas at diagnosis na dapat malaman natin.

Ang colon ang siyang sumasala sa mga kinakain natin. Kaya naman importante na malaman ng bawat isa ang kahalagahan nito.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang colon ang ikatlo sa pinaka-madalas tamaan ng cancer sa Pilipinas.

Ang mga sanhi nito ay karaniwang dahil sa:

1. hindi magandang diet o madalas na pagkain ng processed food. Maging pagkain ng mga dairy products ay masama din

2. paninigarilyo

3. pag-inom ng alak

4. puyat

Importante daw na healthy ang kinakain natin araw-araw. 80% ng food intake ay gulay habang ang natitirang 20% para naman sa karne.

Kung hindi maiwasan na kumain ng processed na pagkain, limitahan lamang ang sarili.

Kadalasan na nasa 4th stage na kung ma-detect ang colon cancer dahil hindi ito agad nagpapakita ng sintomas.

Kaya naman ipinapayo ng mga doktor na sumailalim na sa colonoscopy ang isang tao pagsapit nito ng 40-anyos.

Mas malaki din daw ang tsansa na magkaroon ang mga lalaki.

Ilan sa mga sintomas ng colon cancer ay:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. iregular na pagdumi

2. pagkakaroon ng dugo sa dumi at bahid ng plema

3. pagbagsak ng timbang

4. pananakit ng sikmura

Ngunit ayon kay Dr. Sonny Veloria, kung ang isang tao ay ma-diagnose na mayroong colon cancer, may pag-asa pa ito.

Lalo na kung susundin ang mga ipapayo ng doktor. May mga procedure din na maaaring gawin para sa mga mayroon nito.

Malaki din umano ang naitutulong ng mga food supplement sa mga taong may ganito.

Narito ang buong panayam kay Dr. Veloria:

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone