Pasahero ng bus na lumiyab, isinalaysay ang kanyang nasaksihan

Pasahero ng bus na lumiyab, isinalaysay ang kanyang nasaksihan

- Isang pasahero mula sa lumiyab na bus sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang nagbahagi ng kanyang nasaksihan

- Ikinuwento niya ang tungkol sa kung paano nagsimula ang sunog na kumitil sa buhay ng dalawang katao

- Ayon sa kanya, isang lalaki ang sumaboy ng gas sa kondoktora at sinilaban ito na pinagmulan ng sunog

- Ibinahagi niya rin kung paano sila nakaligtas mula sa sunog matapos nilang makahanap ng labasan sa likod na bahagi ng bus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang babae na kabilang sa mga pasahero ng bus na lumiyab nitong Linggo ng hapon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ang kanyang nasaksihan bago sumiklab ang sunog sa nasabing bus.

Sa isang panayam ng ABSCBN News kay Jenniffer Lutao, ang 31 anyos na babaeng pasahero ng nasabing bus, isang pasaherong lalake umano ang nagsaboy ng gas sa konduktora.

Read also

Paglabas ng mga pasahero sa lumiyab na bus, sapul sa video

Pasahero ng bus na lumiyab, isinalaysay ang kanyang nasaksihan
Screenshot from Jaypee Campos' video
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narinig niya rin umanong nagbabangayan ang isang pasaherong lalaki at ang kundoktora.

Nagkatulakan pa umano sila habang nagtatalo. Nagkasuntukan umano ang lalaki at ang kundoktora.

Kasunod nito ibinuhos umano ng lalaki ang dala nitong likido sa babae at lumiyab na ang apoy nang silaban nito ang kundoktora gamit ang dala niyang lighter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News na nakapanayam ang Fairview Fire Substation Commander Inspector na si Lyn Mercado, kinumpirma nitong dalawa ang nasawi sa insidente at apat ang nasugatan.

Ayon kay Mercado, ang konduktora at lalaking pasahero ang nasawi sa naturang sunog. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaking pasahero.

Payo ni Mercado para sa lahat na bumibiyahe at sumasakay sa pampublikong sasakyan kagaya ng bus, maging alerto palagi at iwasan ang pagdala ng mga delikadong bagay kagaya na lamang ng mga flammable material.

Read also

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko

May fire extinguisher naman umano ang bus ngunit hindi na kinayang apulahin ang sunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Samantala, marami ang nalungkot sa trahedyang ito lalo at kapapasok pa lamang ng taong 2021. Marami ang umaasang maging mas maganda ang taong 2021 matapos ang masalimuot na taon ng 2020 dahil sa mga trahedya tulad ng mga pagbaha, bagyo, lindol at pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate