Bansang Croatia, niyanig ng lindol habang nasa COVID-19 lockdown

Bansang Croatia, niyanig ng lindol habang nasa COVID-19 lockdown

- Isang malakas na lindol ang yumanig sa bansang Croatia na naminsala ng mga bahay at establisyimento

- Napinsala ang mga ospital at mga simbahan sa Zagreb, ang capital city ng Croatia

- Kasalukuyang nasa ilalim ng partial lockdown ang lungsod dahil sa banta ng COVID-19

- Ayon sa Prime Minister na si Andrej Plenkovic, ito na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Zagreb sa loob ng 140 taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang malakas na pagyanig ang naminsala sa Zagreb, capital city ng bansang Croatia. Ilan sa mga simbahan at ospital ay napinsala ng pagyanig. Kasalukuyang nasa ilalim ng partial lockdown ang lungsod dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa ulat ng ABC News, 17 ang nasaktan kabilang na ang isang 15-taong gulang na binatilyo na nasa kritikal na kondisyon.

Ayon naman kay Prime Minister Andrej Plenkovic, ito ang pinakamalakas na pagyanig sa Zagreb sa loob ng 140 taon.

Sa gitna ng babala na iwasan ang matataong lugar, wala nang nagawa ang mga residente nang tumama ang lindol. Kinailangan nilang mamalagi sa labas ng kanilang bahay.

Patuloy naman ang paalala ng kanilang Health Minister na panatilihin ang social distance.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang bansang Croatia ay matatagpuan sa Southeastern Europe. Ito ay napapagitnaan ng Mediterranean Sea and Central Europe.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel