Bagyong Rolly, isa nang ganap na super typhoon ayon sa PAGASA
- Isa nang ganap na super typhoon ang bagyong Rolly na nakatakdang mag landfall nitong Linggo sa Catanduanes
- Ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA)
- Hindi pa naianunsiyo ang maximum sustained winds nito ngunit maituturing lamang na super typhoon ang mga bagyong lumagpas sa 220 kilometers per hour ang maximum sustained winds
- Nakatakdang itaas sa Signal No. 5 ang Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inanunsiyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lumakas ang bagyong Rolly at tuluyan nang naging isang super typhoon.
Hindi man ibinahagi ang lakas nito, maituturing lamang na super typhoon ang mga bagyong lumagpas sa 220 kilometers per hour ang maximum sustained winds.
Ngayon lamang alas 2 ng madaling araw ay inanunsiyo nng PAGASA ang lalong paglakas ng bagyo na nakatakdang mag landfall sa lalawigan ng Catanduanes ngayong Linggo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Itataas din ng PAGASA sa Signal No. 5 ang tropical cyclone wind signal sa Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay.
Inaasahang magiging mapaminsala ang hagupit ng bagyong ito.
"Catastrophic wind damage is expected," ito ay ayon sa babala na ibinaba ng PAGASA.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Bago pa man ibaba ng PAGASA ang anunsiyong ito, itinuring ang naturang bagyo bilang pinakamalakas na tumama sa mundo ngayong taong 2020.
Inaasahang lilisanin ng bagyong Rolly ang Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes, November 3.
Dahil sa lokasyon ng bansang Pilipinas na nasa Karagatang Pasikipiko, madalas na tinatamaan ng bagyo ang bansa. Mayroong sa sobrang lakas ay nagdulot ng matinding pinsala kagaya na lamang ng Bagyong Yolanda noong November 8, 2013.
Malaki ang naging pinsala nito sa bansa dahil sa naganap na storm surge. Dahil sa malaking pinsala na tinamo ng bansa, marami ang nagbigay at nagpahatid ng tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo.
Gayunpaman, nabahiran ng kontrobersiya ang mga donasyong ito matapos matimbog ang ilang mga donasyon na hindi ipinamigay kabilang na ang nahuli sa Bulacan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh