Mga damit na donasyon sana sa nasalanta ng "Yolanda", nasamsam sa ukay-ukay sa Bulacan

Mga damit na donasyon sana sa nasalanta ng "Yolanda", nasamsam sa ukay-ukay sa Bulacan

- Kahon kahong mga damit na donasyon sana sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ang nasamsam ng awtoridad sa Bulacan

- Tinatayang nasa 10 kahon na nakalagay pa mismo na galing sa Canaada ang nakuha sa isinagawang raid sa isang warehouse sa Guiguinto

- Nakalulungkot lamang daw na malamang ang dapat na tulong sa ating mga kababayan ay gagawin pang pagkakitaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasamsam mula sa isang warehouse sa Guiguinto, Bulacan ang ilang kahon ng dapat sana ay mga damit na donasyon sa mga Yolanda victims.

Matatandaang isa ito sa pinakamatinding bagyong sumalanta sa bansa noong 2013 lalo na sa Tacloban dahil sumabay pa rito ang Tsunami.

Kaya naman dumagsa noon ang tulong mula sa iba't ibang panig ng mundo, ano mang uri para lamang maiahon ang mga nasalanta ng mapinsalang bagyo.

Ayon sa Philstar, tinatayang 10 kahon ng may mga nakalagay pang mula Canada ang maibebenta at pagkakakitaan sana sa 'ukay ukay' kung hindi nasamsam ng mga awtoridad.

Depensa ng warehouse manager na si Francisco Lesaca, ido-donate naman daw sana nila ito sa DSWD ngunit pinipili pa nila ang mga maaayos pa dahil sa ayaw nilang magbigay ng di naman na magagamit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman kay Kristine Dela Cruz, executive officer of the NBI Special Action Unit nakalulungkot lamang daw isipin na ang mga donasyon na sana ay napakinabangan ng mga naghihikhos na pamilyang nasalanta ng Yolanda ay nagawa pang pag-interesan at pagkakitaan ng iba.

Dagdag pa niya, pag-iibayuhin pa nila ang imbestigayson sa mga na-forfeit nang donasyon sa Yolanda victims at malaki ang posibilidad na di lamang ito ang mga nauwi sa "ukay ukay."

Sa tagal, dapat daw kasi na nasunog na ang mga ito dahil sa mga bacteria na maaring makuha rito na maaring magdala ng iba't ibang karamdaman.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel