Hagupit ng bagyong #RollyPH, ramdam na ramdam sa Bicol Region
- Ramdam na ramdam ang hagupit ng super typhoon Rolly sa Bicol Region ngayong Linggo ng umaga
- Makikita sa mga ibinahaging mga video online ang malakas na hangin na sinabayan ng malakas na buhos ng ulan
- Matatandaang itinaas ang signal no. 5 ang Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay
- Maging ang ilang lugar kabilang ang Metro Manila a karatig lalawigan ay itinaas na sa signal no. 4
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ramdam na ramdam na ang hagupit ng super typhoon na Rolly sa Bicol Region matapos itong mag land fall Linggo ng umaga.
Makikita sa mga video na ibinahagi sa iba't-ibag social media platforms ang lakas ng hangin na sinabayan ng pag-ulan na nagdulot na ng pagbabaha at pinsala sa ilang lugar.
Kabilang ang Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay sa mga lugar na isinailalim sa storm signal no. 5 bunsod ng lumalakas na bagyo.
Ang metro Manila naman at iba pang karatig na lalawigan ay isinailalim na sa signal no. 4.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa Bigaa Elementary School sa Legazpi City, nagiba ang kisame ng isang paaralan na pansamantalang tinutuluyan ng ilang residente bunsod ng malakas na hangin.
Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Bago pa man ibaba ng PAGASA ang anunsiyong ito, itinuring ang naturang bagyo bilang pinakamalakas na tumama sa mundo ngayong taong 2020. Inaasahang lilisanin ng bagyong Rolly ang Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes, November 3.
Dahil sa lokasyon ng bansang Pilipinas na nasa Karagatang Pasikipiko, madalas na tinatamaan ng bagyo ang bansa. Mayroong sa sobrang lakas ay nagdulot ng matinding pinsala kagaya na lamang ng Bagyong Yolanda noong November 8, 2013.
Malaki ang naging pinsala nito sa bansa dahil sa naganap na storm surge. Dahil sa malaking pinsala na tinamo ng bansa, marami ang nagbigay at nagpahatid ng tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo.
Gayunpaman, nabahiran ng kontrobersiya ang mga donasyong ito matapos matimbog ang ilang mga donasyon na hindi ipinamigay kabilang na ang nahuli sa Bulacan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh