Sandra Lemonon, hot topic matapos mag-post ng patama sa social media

Sandra Lemonon, hot topic matapos mag-post ng patama sa social media

- Marami ang naintriga sa mga social media posts ni Sandra Lemonon na isa sa mga kandidata ng Miss Universe PH

- Tila may pinaringgan ito tungkol sa karma at tila may isang pasabog na statement ito na ilalabas na dapat abangan

- Ibinahagi nito ang nasabing pasaring matapos mai-televise ang coronation ng Miss Universe Philippines ngayong Linggo

- Matatandaang hindi napasama sa top 5 si Lemonon at si Rabiya Mateo ng Iloilo ang kinilalang Miss Universe Philippines

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinawindang ng online world ang mga patutsada ni Miss Universe Ph Taguig representative Sandra Lemonon matapos i-anunsiyo ang nanalo sa nasabing patimpalak.

Marami ang nag-aabang sa kanyang pasabog matapos nitong sabihin sa kanyang Instagram Story na “The truth always comes out,” kasabay ng paggamit ng frying pan na emoji.

Inihayag din ni Sandra ang saloobin tungkol sa tila naranasang pandaraya o panlalamang. “It’s just about timing. Karma is real,” dagdag pa niya.

Read also

Kasamahan ni Tekla sa comedy bar, ipinagtanggol si Tekla laban sa kinakasama nito

“Coffee time soon. Because we deserve justice,” pahayag pa nito na tila nagpapahiwatig nang kanyang ibubulgar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong Linggo nang umaga, inere ang resulta ng Miss Universe Philippines kung saan hindi napasama sa top 5 si Lemonon.

Ipinasa ng Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados ang korona kay Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Sandra Lemonon, hot topic matapos mag-post ng patama sa social media
Gazini Ganados (Photo by Paras Griffin/Getty Images)
Source: UGC

Tinanghal naman bilang First runner up si Maria Isabela Ysmael ng Parañaque, Second runner up si Michelle Gumabao ng Quezon City, Third and fourth runner up naman si Pauline Amelinckx ng Bohol, at Cavite’s pride Billie Hackenson.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sandra Lemonon ay naging kontrobersiyal din noong 2018 noong sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naitanong sa kanya ang tungkol sa Build, Build, Build program ng gobyerno sa Q&A portion at inamin niyang hindi niya alam ito.

Read also

Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada

Noong 2019 naman ay sinubukan niyang mag-audition bilang housemate para sa Pinoy Big Brother: Otso. ngunit umatras din ito.

Samantala, inalmahan ni Sandra ang mga komento ng netizens na puro lamang siya paganda kasunod ng kanyang kontrobersiyal na sagot sa Q&A portion noong 2018.

Bumilib naman sina Vice Ganda at Anne Curtis sa pagiging honest nito na hindi niya alam ang tungkol sa tanong sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate