Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada
- Isa si Mary Lorraine Pingol sa mga ginawaran ng Bayaning Nars Award para sa taong ito
- Matatandaan na siya ang nurse na hindi nagdalawang isip na tumulong sa ginang na inabot na ng panganganak sa kalsada ng Makati
- Papasok na noon ang nurse nang madaanan niya ang ginang na hindi niya iniwan hanggang na madala na ito ng ambulansya sa ospital
- Nabigyan na rin siya ng pabuya ni Raffy Tulfo dahil sa kabayanihang ginawa nito sa ginang at sa sanggol nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ginawaran ng Bayaning Nars Award si Mary Lorraine C. Pingol, ang nurse na nagpaanak sa isang ginang sa kalsada ng Makati noong Agosto.
Nalaman ng KAMI na isa si Lorraine sa mga nurse na binigyang pugay ang di matatawarang serbisyo ngayong taon lalo na sa gitna ng pandemya.
Ginanap ang paggawad online sa Philippine National Convention na ipinalabas sa kanilang Facebook page noong Oktubre 20.
Ito ay bilang pagdiriwang ng mga nurses sa bansa ng ika-98 Founding Anniversary at 63rd Nurses Week Celebration.
"In recognition of her selfless and heroic deed in helping a homeless mother giving birth to her newborn before the rescue team arrived. She exemplified bravery, professionalism, caring ang integrity beyond her call of duty. Her extraordinary deed is an epitome of pride and inspiration to the nursing profession," ang bahagi ng nilalaman ng sertipiko na iginawad sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang si Mary Lorraine ang nurse na hindi nagdalawang isip na huminto at tumulong sa ginang na inabot na ng pangangak sa kalsada dahil sa wala raw umano itong tirahan.
Papasok noon si Lorraine nang makita niya ang kalagayan ng ginang at hindi niya ito iniwan hanggang sa makapanganak at hanggang sa makarating ang rescue team na siyang magdadala sa mag-ina sa ospital.
Naikwento niyang late na raw talaga siya noon sa trabaho na tila itinadhana itong mangyari upang matulungan ang mag-inang hindi nadala agad sa opital.
Laking pasalamat din niya na maayos ang kinalabasan ng kanyang pagpapaanak sa ginang lalong-lalo na ang kalagayan ng sanggol.
"I think it was an easy delivery case at thankful ako 'don kasi kung complicated iyong pregnancy ng nanay tapos ganun yung environment, it would be harder for me and for anyone else to handle the situation," pahayag noon ni Lorraine.
Matatandaang maging si Raffy Tulfo ay nagbigay ng pabuyang nagkakahalaga ng P100,000 kay Lorraine dahil sa kabayanihang nagawa nito sa mag-ina na labis na nangangailangan ng mga tulad niya sa panahong iyon.
Patunay lamang na ang lahat ng tinamasang gantimpala at biyaya ng nurse na ito ay nararapat lamang dahil din sa ipinakita niyang serbisyo at pagmamalasakit sa kapwa niyang nangangailangan ng tulong.
Congratulations, Mary Lorraine Pingol!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh